COVID-19 update: NSW, patapos na ang lockdown; Melbourne, nakamit ang rekord na pinakamahabang lockdown sa buong mundo

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 4, 2021

People are seen exercising at Albert Park Lake in Melbourne, Monday, October 4, 2021. Melbourne has become the most locked down city in the world, surpassing the 245-day record set by Argentina's Buenos Aires. (AAP Image/Daniel Pockett) NO ARCHIVING

People are seen exercising at Albert Park Lake in Melbourne, Monday, October 4, 2021. Source: AAP Image/Daniel Pockett

  • 45 percent ng mga bagong kaso ng coronavirus sa Victoria, nasa edad 30 pababa
  • Lismore, sa regional New South Wales, sasailalim sa pitong araw na lockdown
  • Higit 93 percent ng mga taga Canberra na may edad dose pataas, bakunado na
  • At isang bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Queensland

 

Victoria

Nagtala ng 1,377 na panibagong kaso ang Victoria at apat ang naiulat na namatay.

Patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga lugar na natukoy na tier 1 exposure sites sa regional Victoria, kabilang dito ang Morwell at Shepparton. Bukod dito, may natagpuan ding traces ng virus sa sewage samples sa Mildura.

At sa ibang balita, nalampasan na ng Melbourne ang record ng Buenos Aires matapos maitala ngayong araw ang ika-246 na araw na naka-lockdown ang syudad.

New South Wales

Nagtala ng 623 na panibagong kaso ang New South Wales, at anim ang namatay.

Nakataas pa rin ang stay-home orders para sa mga residente ng Lismore at magtatagal pa ito hanggang Oktubre 11. Lahat ng residente na nagpunta sa Lismore simula Setyembre 28 ay kinakailangang manatili sa bahay.

Inaasahan naman ng mga residente ng New South Wales  na ito na ang huling linggo ng lockdown sa estado. Nitong Oktubre 2, umabot na sa 67.1 percent ang nakakuha na ng kumpletong bakuna na na may edad 16 pataas.

Alamin kung paano 

Australian Capital Territory

Sa Australian Capital Territory naman, umabot na sa 28 ang naitalang kaso ng COVID-19 at dalawa ang namatay.

Sa ngayon, may 16 na pasyente na positibo sa virus ang nasa ospital. Lima dito ay nasa intensive care at isa ang naka-ventilator.

Umabot na rin sa 93 percent ang mga nakakuha na ng unang dose ng bakuna sa ACT.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 4 October 2021 2:52pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends