COVID-19 UPDATE: NSW, magdedeploy ng mga sundalo, Queensland palalawigin pa ang lockdown

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 2 2021

Australian Defence Force personnel and NSW police are seen being deployed from Fairfield Police Station in Sydney, Monday, August 2, 2021.

Australian Defence Force personnel and NSW police are seen being deployed from Fairfield Police Station in Sydney, Monday, August 2, 2021. Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • Hawaan ng mga kaso ng coronavirus sa NSW, nananatiling mataas
  • Sa Queensland, mga naitatalang kaso ng COVID-19 karamihan ay mga bata
  • Victoria, nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng coronavirus
  • South Australia, luluwagan na ang mga restriksyon

 New South Wales

Nagtala ng 207 na bagong kaso ang estado, at halos 50 rito ang nasa komunidad habang infectious o nakakahawa. Isang lalaki na nasa edad 90 na nakakuha ng kanyang unang dose ng Astrazeneca vaccine, nailulat na namatay sa Liverpool Hospital.

Samantala, tutulong naman sa NSW Police ang halos 300 na kawani ng Australian Defence Force para mag-hatid ng pagkain at magsagawa ng mga 'welfare door knocks' upang masiguro na sumusunod ang mga residente sa mga ipanapatupad na patakaran sa

Hinihikayat ni NSW Premier Gladys Berejiklian na magpabakuna ang lahat ng residente sa estado.

Queensland

Nagtala ng 13 panibagong kaso ang estado, karamihan sa mga ito ay mga kabataang nasa edad 10 pababa. Lahat ng kaso ay konektado sa kasalukuyang cluster, habang umabot na sa 31 ang mga aktibong kaso sa Queensland.

Nag-anunsyo naman ang tresurero na si Cameron Dick ng ayuda o na nagkakahalaga ng $260 milyong dolyar bilang suporta sa mga taga-Queensland.

Sa ngayon, palalawigin pa hanggang Linggo, Agosto 8 ang lockdown sa estado. Kabilang sa mga apektadong lugar ang Brisbane, Gold Coast, Ipswich, Lockyer Valley, Logan, Moreton Bay, Noosa, Redland, Scenic Rim, Somerset at ang Sunshine Coast.


 

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Victoria, nagtala ng dalawang panibagong kaso. Lahat ng mga ito’y konektado pa rin sa kasalukuyan goutbreak at nakaquarantine habang nakakahawa.
  • Sa south Australia, obligado pa rin magsuot ng mask ang mga residente; Magpapatuloy pa rin ang mga sporting event at lilimitahan ang mga manonood

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 

 


Share
Published 2 August 2021 2:59pm
Updated 2 August 2021 4:19pm
Presented by SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends