- Lockdown sa regional New South Wales, tatagal pa hanggang 10 September
- Victoria, nakatanggap ng 25,000 na doses ng Pfizer vaccine
- ACT, naglaan ng suporta para sa mga negosyante
New South Wales
Nagtala ng 1029 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, 37 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Tatlo ang naiulat na namatay at hindi ito bakunado.
Inanunsyo ni Premier Gladys Berejiklian na luluwagan ang restriksyon para sa mga nakakuha na ng dalawang dose ng bakuna simula a-trese ng Setyembre:
- Para sa mga nakatira sa labas ng LGA na natukoy na hotspots, pwede na magtipon hanggang limang katao sa labas, basta’t mananatili sila sa limang kilometro mula sa kanilang mga bahay
- Para naman sa mga nakatira sa mga, pwede na din magtipon sa labas, pero may mga ipapatupad pa ring mga restriksyon kabilang ang curfew at limit sa pageehersisyo.
Victoria
Nagtala ng 80 na panibagong kaso ang estado, 41 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Para sa mga nasa edad kwarenta pababa na nakapag-book ng appointment para sa Astrazeneca vaccine, makakatanggap na sila ng Pfizer vaccine, ayon kay COVID Commander Jeroen Weimar. . Kasunod ito ng pagdating ng 25,000 na Pfizer vaccine doses ang dumating sa Victoria.
Australian Capital Territory
Nagtala ng labing-apat na panibagong kaso ang teritoryo at umabot nsa 190 ang bilang ng mga aktibong kaso.
Para sa mga negosyong naapektuhan ng lockdown, maaari nang mag-apply ng grant hanggang $10,000 para sa mga kumpanya at hanggang $4,000 para sa mga negosyo na walang empleyado.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Queensland, magtatayo ng bagong regional quarantine facility sa Wellcamp Airport malapit sa Toowoomba
- Mga kabataan na nasa edad dose pataas sa Northern Territory, pwede nang makakuha ng Pfizer vaccine
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: