- Pagtitipon ng pamilya, pangunahing dahilan ng mataas na kaso ng COVID-19 sa New South Wales
- Pagluluwag ng restriksyon sa Victoria, wala pa ring katiyakan
- Pagtatapos ng lockdown sa South Australia, kumpirmado na
- Queensland, naka-high alert matapos makalusot ang isang nagpositibo sa COVID-19 mula sa Sydney
New South Wales
Nagtala ng karagdagang 145 na bagong kaso ang estado ngayong araw, habang bumaba na ang kaso sa Fairfield. Nagbabala si Police Commisioner Mick Fuller na aarestuhin ang sinumang nagpaplanong magprotesta sa Sydney habang naka-lockdown.
Samantala, maaari nang makakuha ng Astrazeneca vaccine sa mga lokal na botika para sa mga may edad 60 pataas, ayon kay Chief Health Officer Dr Kerry Chant. Hinihikayat din nito na magpabakuna ang mga tao. Hinihikayat din nito na magpabakuna ang mga residente sa kabila ng kakulangan ng supply ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Victoria
Nagtala ng panibagong 11 kaso ang estado, at lahat ng kaso ay konektado sa Delta variant outbreak. Kasalukuyan ding nagka-quarantine ang mga ito habang nakakahawa. Umabot na sa 190 ang mga aktibong kaso sa Victoria.
Inaasahan ding magtatapos ang ika-limang lockdown sa Martes, Hulyo 27, pero ayon sa mga otoridad wala pa rin itong katiyakan
Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia
- South East Queensland, obligado pa rin magsuot ng mask. Alamin ang listahan ng mga exposure sites .
- South Australia, nakatakdang tapusin ang lockdown sa Miyerkules, pero may ilan pa ring paghihigpit
- Umabot na sa 2117 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Australia, ayon sa federal health department
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: