COVID-19 update: Mga kaso sa NSW tumaas, SA on track sa pagtatapos ng lockdown

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 24 2021.

Protesters march along Broadway and George St towards Sydney Town Hall during the ‘World Wide Rally For Freedom’ anti-lockdown rally at Hyde Park in Sydney, Saturday, July 24, 2021. (AAP Image/Mick Tsikas) NO ARCHIVING

Protesters march along Broadway during the World Wide Rally For Freedom anti-lockdown rally at Hyde Park in Sydney, Saturday, July 24, 2021. Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • Mga kaso sa NSW tumataas.
  • Mga anti-lockdown protesters nagmartsa sa Sydney at Melbourne.
  • Victoria idineklara and buong NSW bilang COVID-19 "extreme risk zone".
  • South Australia on track sa planong pagtatapos ng lockdown
New South Wales 

Nakapagtala ang NSW ng 163 panibagong locally acquired cases. Ito ang pinakamataas na bilang ng daily new infections na naitala simula ng Delta outbreak ng Hunyo. Nag-isyu ang NSW Police ng 246 fines sa mga taong lumabag sa public health orders. Pumalo sa 6 ang bilang ng kamatayan na dulot ng Delta outbreak.

Ipinatupad ang mga mahigpit na restriksyon sa dalawang karagdagang local government areas sa Western Sydney, ang Cumberland at Blacktown. Tanging mga  lamang ang maaring umalis sa lugar.

Narito ang updated na .

Victoria 

Nakapagtala ang Victoria ng 12 panibagong locally acquired cases kung saan dalawa sa mga naitala ang infectious sa komunidad.

Dineklara ng Chief Health Officer Brett Sutton bilang "extreme risk zone" ang buong NSW, Biyernes ng gabi na epektibo simula 11.59pm.

Makikita sa listahan o map ang mga l. Ang lockdown ay pinahaba hanggang 11.59 pm ng Martes, 27 ng Hulyo.




Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Sinabi ni SA Premier Steven Marshall na on track ang kanilang estado sa planong pagtatapos ng lockdown at magbubukas ang mga paaralan sa Miyerkules.
  • Prime Minister Scott Morrison Hindi maipapangako ang mabilisang pagbigay ng mga Pfizer COVID-19 vaccine para sa New South Wales.
  • Libo-libong mga anti-lockdown protesters ang lumabag sa COVID-19 restrictions at nagtipon sa Sydney at Melbourne.
COVID-19 MYTH:
Hindi apektado ng COVID-19 ang mga malulusog na kabataan. Mga matatanda at may sakit lamang ang nahahawa.

COVID-19 FACT:
Ang virus ay nakakaapekto ng lubos sa mga matatanda at may mga sakit, ngunit natatamaan din ng virus ang mga malulusog na kabataan.


 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 




 

Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 

 
 
 

 


Share
Published 24 July 2021 3:01pm
By SBS/ALC Content
Presented by Claudette Centeno
Source: SBS


Share this with family and friends