- Mga pasyente sa intensive care sa NSW, marami ang hindi pa bakunado
- Mga bagong kaso sa Victoria, nasa komunidad habang nakakahawa
- Sa Queensland, higit 300 botika kasama sa vaccination program
New South Wales
Nagtala ng 291 na bagong kaso ng COVID-19 ang estado, 48 sa mga ito ay infectious o nakakahawa. Isang babae na taga southwest Sydney na nasa edad 60s ang naiulat na namatay, at hindi umano ito bakunado.
Ayon kay Premier Gladys Berjiklian, asahan na ng publiko na mas madaming pulis ang idedeploy sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng kaso ng COVID-19. Ito ay para masiguro na susunod ang mga residente sa mga public health orders.
Sinabi naman ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant, 44 sa 50 pasyenteng nasa intensive ang hindi pa nababakunahan, habang ang ilan ay nakakuha ng kanilang unang dose ng bakuna.
Hinihikayat ng mga otoridad na magpabakuna ang lahat ng residente ng NSW. Narito ang .
Victoria
Nagtala ng 6 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria, dalawa rito ay inanunsyo na kahapon, Agosto 5.
Lahat ng kaso ay konektado sa nakaraang Delta infections at hindi naka-quarantine habang sila ay nakakahawa.
Nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na outbreak-isa sa Hobsons Bay at isa pa sa Maribyrnong.
Queensland
Nagtala ng 10 bagong kaso ng coronavirus, lahat ay konektado sa kasalukuyang cluster.
HIgit 300 botika ang kasama sa vaccination program ng estado, kung saan maaaring makakuha ang mga residente ng .
Ani Chief Health Officer Dr Jeanette Young, masyadong pang maaga para malaman kung magtatapos na ang lockdown ngayong Agosto 8 sa southeast Queensland
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: