COVID-19 update: NSW gagamit ng bagong app para sa proof of vaccine

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 22, 2021

Chappel Street in Melbourne, Wednesday, September 22, 2021

Chapel Street in Melbourne, Wednesday, September 22, 2021. An earthquake has been reported in Victoria and tremors were as far away as Canberra and Sydney. Source: AAP/James Ross

  • Mga residente ng Oberon, NSW hinihikayat na magpa-test
  • Lockdown sa Ballarat, inaasahang magtatapos na
  • ACT, maabot na ang target sa pagbabakukuna
  • Dagdag na vaccine appointments, pwede nang ma-access ng mga taga Queensland

 

New South Wales

Nagtala ng 1035 na bagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at lima ang namatay.

Simula Oktubre 6, uumpisahan nang gamitin ang app para sa katibayan ng pagbabakuna. Gagamitin ito kasabay ng Service NSW app at susubukan muna ito sa ilang residente sa regional NSW bago i-rollout sa buong estado sa sandaling maabot na ng New South Wales ang 70 percent na vaccination target.

Samantala, may natagpuang traces ng virus sa sewage ng Oberon sa Western New South Wales.

Victoria

Nagtala ng 628 na bagong kaso ng coronavirus ang estado at tatlo ang namatay. 57 per cent ng mga kaso ay naitala sa northern Melbourne.  

Naganunsyo naman ang Victoria ng $190 million na package para sa 51,000 purification devices na ilalagay sa mga pampublikong paaralan at ilang Catholic at Independent schools sa estado. Layunin ng proyekto na mapababa ang pagkalat ng impeksyon sa mga paaralan.

Samantala, magtatapos na ang lockdown sa Ballarat mula ngayong hatinggabi, pero may ipapatupad pa ring mga restriksyon tulad ng mandatory na pagsusuot ng mask sa loob at labas ng mga gusali.

Australian Capital Territory

May naitalang 17 na kaso ng COVID-19 sa Australian Capital Territory at 11 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.  

Inaasahan namang malalampasan ng ACT ang 96 percent na target nito para sa mga nabakunahan na ng unang dose. Sa ngayon, umabot na 81 per cent ang nakakuha na ng isang dose habang 56 per cent naman ang fully vaccinated.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 

 


Share
Published 22 September 2021 5:16pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends