COVID-19 update: NSW, balik sa face-to-face learning simula Oktubre

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 27 2021

Mass Vaccination hub at Qudos Arena in Sydney,

Thousands of Year 12 HSC students got their Pfizer vaccinations at the Mass Vaccination hub at Qudos Arena in Sydney, Monday, August 9, 2021. Source: AAP Image/Dean Lewins

  • HSC exams sa NSW, ipagpapaliban hanggang Nobyembre 9
  • Isa sa 10 kaso ng COVID-19 sa Victoria, naitala sa Shepparton
  • ACT, nag-anunsyo ng mga bagong business restrictions ngayong lockdown
  • ATAGI, inaprubahan ang pagbibigay ng Pfizer sa mga batang nasa edad 12-15

New South Wales

Nagtala ng 882 na panibagong kaso ang New South Wales ngayong araw, higit 80 porsyento sa mga kaso ay nasa western at south-western Sydney. Dalawang lalaki na nasa 60s at 90s ang naiulat na namatay.

Samantala, inanunsyo ni Premier Gladys Berejiklian ang plano para sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa New South Wales.

  • Simula Oktubre 25, balik-eskwela na ang kindergarten at Year 1 
  • Year 2, 6, at 11 sa Nobyembre 1
  • At Year 3,4,5,7,8,9, at 10 sa Nobyembre 8
Obligadong magpabakuna ang mga nagtatrabaho sa mga paaralan simula Nobyembre 8, at uunahin din silang mabakunahan simula Setyembre 6.

Magpa-book na ngayon ng .

Victoria

Nagtala ng 79 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 53 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak at 26 ang natukoy na mystery cases.

Sa Shepparton region, tinatayang nasa 16,000 na mga residente ang kasalukuyang nagse-self-isolate. Napilitang magsara ang ilang mga food distributors, pamilihan at mga botika dahil sa kakakulangan ng staff na tatao.

Alamin kung saan ang pinakamalapit na .

Australian Capital Territory

Nagtala ng 21 panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory at umabot na sa 221 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Southeast Queensland, magluluwag ng restriksyon simula 4pm ngayong hapon
  • Pagbibigay ng Pfizer COVID-19 vaccine sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 15, aprubado na ng Australian Technical Advisory Group on Immunisation
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 27 August 2021 2:23pm
Updated 27 August 2021 2:30pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends