COVID-19 update: Kaso ng Delta variant ng COVID sa NSW at VIC pumalo na sa pinakamataas na bilang

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 21 2021

Cleaners are seen at work inside of the Prahran Market in Melbourne, Thursday, July 22, 2021.

Prahran Market is undergoing a deep clean after it was revealed a customer, who tested positive for COVID-19, visited on July 17 between 9.40am and 11.15am. Source: AAP Image/James Ross

  • NSW Premier, nagbabalang tataas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw
  • Prahran Market sa Melbourne, idineklarang Tier-1 exposure site
  • 71 exposure sites, natukoy sa Adelaide
  • Sa Tasmania, 40 anyos na lalaki namatay matapos makuha ang kanyang unang dose ng AstraZeneca

News South Wales

Pumalo na sa 124 ang bagong kaso ng COVID-19 sa estado, 87 sa mga ito ay infectious o nakakahawa habang nasa komunidad. 30 sa mga kaso ay galing sa Fairfield.

Simula Biyernes, Hulyo 23, kinakailangan nang magpa-test kada tatlong araw ang mga healthcare at aged care workers na nakatira sa Canterbury-Bankstown kung papasok sila sa trabaho sa labas ng kanilang local government area.

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o . Inaasahang magtatapos ang kasalukuyang lockdown sa estado sa Biyernes, Hulyo 30.

Victoria

Nakapagtala ng panibagong 26 na kaso ang estado, pinakamataas na record kada araw ngayong taon. Sa ngayon, umabot na sa 146 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa buong estado.

Samantala, kasalukuyang nagse-self-isolate ang 18,000 na natukoy na primary close contact, habang lumobo na sa 380 ang mga natukoy na exposure sites sa Victoria.

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o . Sa ngayon, magtatagal pa ang lockdown sa estado hanggang Martes, Hulyo 27.


 

 Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • South Australia, nagtala ng dalwang bgong kaso, kabuuang bilang ng konektado sa outbreak pumalo na sa 14.
  • Queensland, isasara ang kanilang border sa New South Wales simula Biyernes, Hulyo 23
  • 40 anyos na lalaki mula Tasmania, kumpirmadong kaso ng thrombocytopenia syndrome, namatay matapos makakuha ng unang dose ng Astrazeneca

 

Eid al Adha (Festival of Sacrifice), magtatapos sa Biyernes, 23 July. Mainam na maging protektado sa panahong ito sa pamamagitan ng:

 

  • Pagdadasal sa bahay
  • Pagkansela ng mga malaking pagtitipon
  • Pagsuot ng mask
  • Paggamit ng sariling prayer rug
 


 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

 

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

 

 

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 

 

 


 



 

Isinalin sa inyong wika, .

 

Isinalin sa inyong wika .

 



 

Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 

 
 
 


 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 

 
 
 


Share
Published 22 July 2021 2:45pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends