- Home quarantine trial para sa mga fully vaccinated na papasok sa bansa, sisimulan sa New South Wales
- Victoria, magluluwag na ng restriksyon simula ngyong hatinggabi
- Mga aged care workers sa ACT, obligado na magpabakuna
- At sa Queensland, may isa na namang nagpositibo sa virus habang naka-home quarantine
New South Wales
Nagtala ng 1,284 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at 12 ang namatay. Kabilang sa namatay ay dalawang lalaki na nasa kanilang 20s, tatlong residente sa aged care sa Dubbo, at pito ay hindi bakunado.
Inanunsyo ni NSW Premier Gladys Berejiklian na sisimulan na ang pitong-araw na home-based quarantine trial para sa mga papasok sa bansa na nakakuha na ng bakuna kontra COVID-19 na aprubado ng TGA. Inaasahang may 175 katao ang mapapasama sa unang trial at uumpisahan ito sa katapusan ng buwan.
Victoria
Nagtala ng 510 na panibagong kaso ng COVID-19 ang estado at isa ang namatay.
Simula ngayong hatinggabi, papayagan nang magtipon para mag-picnic o maglakad hanggang dalawang katao ang mga hindi bakunado o mga nakakuha lamang ng isang dose ng bakuna. Para naman sa mga fully vaccinated, papayagang magtipon hanggang limang katao at kasama sa bilang ang mga anak o dependents.
Iaanunsyo sa darating na Linggo, Setyembre 19 ang kabuuang roadmap o planong pagbubukas ng Victoria, pati na rin ang mga ipapatupad na restriksyon hanggang Nobyembre.
Australian Capital Territory
Nagtala ng 30 panibagong kaso ng coronavirus ang Australian Capital Territory, at labingapat sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Simula ngayon, obligado nang magpabakuna ang mga nagtatrabaho sa aged care sector. Kung hindi pa bakunado, hindi sila papayagang pumasok sa kanilang pinagtatrabahuhan hangga’t hindi pa sila nakakakuha ng kahit isang dose ng bakuna.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Simula sa susunod na linggo, sisimulan na sa Tasmania ang 30-day home quarantine trial para sa mga babyahe na galing regional NSW
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: