COVID-19 update: NSW, balak buksan ang international border sa Pasko; Victoria may mga bagong pop-up vaccination hub na bubuksan

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 12, 2021

Sydney International Airport during Covid-19

Msafiri ajandaa kuabiri basi la karantini, katika uwanja wa ndege wakimataifa wa Sydney, Jumatano, Septemba 8, 202 Source: AAP Image/Joel Carrett

  • Mula bukas, ilang restriksyon sa NSW, luluwagan
  • Sa Victoria, mayroong 7,000 first-dose ng Pfizer na maaaring magamit
  • ACT nakapagtala ng 15 kaso at Queensland walang naitalang bagong lokal na kaso

New South Wales
NSW nakapagtala ng 1,262 na bagong acquired cases, at pito ang namatay.

Mula ika-13 ng Setyembre, papayagang magkita sa labas ang hanggang limang katao na ganap na bakunado at hindi nakatira ng . Para naman sa mga nakatira sa loob ng mga LGAs of concern, maaari silang makapag-piknik o lumabas kasama ang mga fully vaccinated na miyembro ng kanilang bahay dalawang oras kada araw. Dagdag ito sa walang limitasyon na pag-ehersisyo.

Ani ni Premier Berejiklian hangad ng estado na buksan ang international borders nito pagsapit ng Pasko habang 78 porsyento ng populasyon ng NSW na edad 16 pataas ay naturukan na ng isang dosis ng vaccine, at 45.58 per cent ay fully vaccinated na ngayon.

Alamin kung paano 

Victoria

Victoria nakapagtala ng 392 na bagong locally acquired cases.

Ani Premier Daniel Andrews mayroong 7,000 first-dose Pfizer appointments na maaaring i-book sa mga darating na linggo sa mga klinik na pinapatakbo ng estado.

May mga bagong pop-up vaccination hubs na bubuksan sa buong Victoria sa walong mga paaralan at mga  local government areas ng Hume, Dandenong at Casey, kabilang ang isang Greek Orthodox Church sa Thornbury, isang Hindu temple site sa Mill Park at isang moske sa Newport.

Alamin kung saan may 

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
  • Inihayag ni Prime Minister Scott Morrison ang isang milyong dagdag na dosis ng Moderna COVID-19 vaccine, na inirekomenda para sa sinuman na higit 12 taong gulang.
alc covid mental health
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 12 September 2021 2:51pm
Updated 12 September 2021 3:57pm
By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS


Share this with family and friends