COVID-19 update: Rekord na bilang ng kaso muling naitala ng NSW, mga kaso sa rehiyonal Victoria tumaas

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 22 2021

Watu wafanya mazoezi mjini Sydney, Jumapili, 22 Agosti, 2021

Watu wafanya ma.zoezi mjini Sydney, Jumapili, 22 Agosti, 2021. Source: AAP Image/Bianca De Marchi

  • NSW nakapagtala ng 830 COVID-19 cases at tatlong pagkamatay 
  • 65 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Victoria, 21 sa mga ito ay nakaugnay sa Shepparton outbreak    
  • ACT naitala ang 19 na bagong kaso ng coronavirus
  • Sa Queensland, isa pang araw nang walang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras 

New South Wales

Muling naitala ng NSW ang rekord na 830 na bagong locally acquired cases ng COVID-19.  

Tatlong katao pa ang nasawi mula sa virus - dalawa'y lalaki, isa nasa edad 60s at isa ay nasa 70s, ang dalawa'y pareho nang naturukan ng isang dosis ng COVID 19 vaccine at isang babae sa kanyang 80s na hindi pa nabakunahan at siya'y close contact. Nasa 71 na ngayon ang kabuuang bilang ng mga namatay sa estado.

550 katao ay ginagamot sa ospital, 94 sa mga ito ay nasa intensive care.   

Ani Health Minister Brad Hazzard, nakapagtala din ang NSW ng “extraordinaryo” na bilang ng mga nabakunahan sa nakalipas na ilang araw.

Narito ang link para makapagpa-book ng 

Victoria

Nakapagtala ang Victoria ng 65 na bagong locally acquired cases ng COVID-19, 55 sa mga ito ay naka-ugnay sa kasalukuyang mga outbreak at 10 ay inaalam pa ang pinagmulan.

Tanging 12 kaso ang naka-isolate sa kabuuang panahon na sila'y nakakahawa. 

Sa naitalang kaso ngayong araw, hindi bababa sa 21 ang naka-ugnay sa rehiyonal na bayan ng Shepparton.  

Ngayong araw ang simula ng kabuuang lockdown sa buong estado ng Victoria.

Sa ulat ng Victoria Police, mahigit 200 ang inaresto at anim na pulis ang nasaktan sa naging anti-lockdown protest sa Melbourne kahapon.

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia
  • ACT nakapagtala ng 19 na bagong kaso ng COVID-19, anim sa mga ito ay nakasalamuha sa komunidad habang sila'y nakakahawa. Isang estudyante sa ANU ay nagpositibo pero naka-isolate.
  • Isang pang araw na walang bagong kaso para sa Queensland, mayroon na lamang 39 na natitirang aktibong kaso. 
Self-Isolation can impact our mental health and wellbeing.
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 22 August 2021 2:55pm
By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS


Share this with family and friends