- Pagbabakuna sa mga may kapansanan, tututukan ng Victoria
- 70 percent double vaccination target, naabot na ng New South Wales
- At ACT, nakatakdang maging isa sa ‘most vaccinated cities’ sa buong mundo
Victoria
Nagtala ng 1,638 na panibagong kaso ang Victoria at dalawa ang naiulat na namatay.
Simula ngayong araw, ilang mga lugar sa NSW at ACT na naunang natukoy na red zone ay nasa orange zone na. Dahil dito, maaari nang na hindi nakauwi dahil sa outbreak.
Simula bukas, Oktubre 8, maaari nang magpabakuna sa mga vaccination hubs ang mga may kapansanan, kahit walang booking. Magtatalaga din ang Victoria ng mga disability pop-up vaccination hubs sa ilang mga lugar.
New South Wales
Nagtala ng 587 na panibagong kaso ang New South Wales at walo ang namatay.
Inanunsyo naman ni Premier Dominic Perrottet ang mga ipapatupad na pagbabago sa plano matapos makaabot ng NSW ang target nitong 70 per cent double vaccination rate.
Simula Lunes, Oktubre 11, papayagan na ang hanggang sampung katao na bisita sa loob ng bahay. Hindi kasama sa bilang ang mga bata. Aakyat na din sa 30 ang bilang ng mga pwedeng magtipon sa labas.
Tataas na din sa 100 ang bilang ng mga pwedeng dumalo sa kasal at libing. Magbubukas na din ang mga indoor pools.
Australian Capital Territory
Nagtala ng 41 na panibagong kaso ang Australian Capital Territory.
Umabot na sa 96 per cent ang vaccination rate ng mga nabakunahan na ng unang dose na may edad dose pataas. Sa ngayon, nangunguna na ang ACT sa vaccination rate sa buong bansa.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: