COVID-19 Update: Novavax vaccine dumating na sa bansa

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 8 Pebrero 2022.

Mwanamke apokea chanjo ya UVIKO-19 katika zahanati ya Sydney Road Family Medical Practice mjini Balgowlah 10 Januari 10, 2022 in Sydney, Australia.

Mwanamke apokea chanjo ya UVIKO-19 katika zahanati ya Sydney Road Family Medical Practice mjini Balgowlah 10 Januari 10, 2022 in Sydney, Australia. Source: Getty Images AsiaPac

  • Unang shipment ng Novavax vaccine dumating na sa Australia, mula Singapore. Ang shipment ay naglalaman ng tatlong milyong dosis ng bakuna at inaasahan ang rollout nito sa darating na Pebrero 21. 
  • Magpapadala ng 1700 tauhan ng Australian Defence Force para maibsan ang presyur sa aged care, pero paniwala ng ilang tagasuporta sa naturang sektor, hindi ito sapat para mapunan ang kakulangan sa staff. 
  • Sa NSW, 44 porsyento na ng pwede nang magpabakuna ang nakakuha na ng ikatlong dose. At sa Victoria, umabot na sa 46 porsyento ang nakakuha na ng ikatlong dose. 
  • Palalawigin pa ng Victoria ang pamimigay ng rapid antigen tests, kung saan bibigyan na rin ng mga kit na pwedeng iuwi sa bahay ang mga pamilya na may mga bata na nasa daycare, na may edad tatlo hanggang lima. 
  •  Habang pababa na ang bilang ng mga kaso sa iba't-ibang estado, nangunguna na sa ngayon ang ang Northern Territory na may pinakamataas na antas ng naoospital.
Covid-19 Stats

Sa NSW, may 2068 katao ang nadala sa opital at 132 ang nasa intensive care. 18 ang namatay dahil sa virus at may 9,690 na naitalang panibagong kaso. 

Sa Victoria, 575 ang nadala sa ospital dahil sa COVID-19, 72 ang nasa ICU, 20 ang namatay at 9,875 ang naitalang panibagong kaso. 

Sa Queensland, 705 ang nadala sa ospital, 45 ang nasa intensive care, 12 ang namatay at 5,178 ang bilang ng naitalang panibagong kaso. 

Sa Tasmania, 15 ang nasa ospital, 601 ang naitalang panibagong kaso at walang naiulat na namatay. 


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 8 February 2022 5:00pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends