COVID-19 update: Panibagong lockdown sa Greater Sydney, western NSW at ACT

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 12 2021

ACT

Overlooking Lake Burley Griffin with Dept. of Defence in the foreground, Captain Cook water jet centre and Black Mountain top right. (AAP Photo/Alan Porritt) Source: AAP Photo/Alan Porritt

  • Mas maraming lugar sa NSW, sasailalim sa mas mahigpit na restriksyon
  • Dagdag suporta para sa mga negosyo sa Melbourne inanunsyo
  • ACT sasailalim sa lockdown simula 5pm
  • Mga taga-South Australia papayagan nang bumyahe sa Queensland

New South Wales

Nagtala ng panibagong 345 na kaso ng coronavirus ang estado, 60 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Dalawang lalaki na nasa 90s ang naiulat na namatay dahil sa COVID-19.

Sasailalim na rin sa lockdown ang Bogan, Bourke, Brewarrina, Coonamble, Gilgandra, Narromine, Walgett, at Warren local government areas

At magkakaroon din ng mga dagdag na restriksyon ang Bayside, Burwood, at Strathfield. Sa ngayon, umabot na sa 12 ang mga lugar na kasalukuyang naka-lockdown sa New South Wales.

Victoria

Nagtala ng panibagong 21 na bagong kaso ng COVID-19 ang estado, apat sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak at anim ang nasa komunidad habang nakakahawa.

Nag-anunsyo naman si Minister for Jobs, Innovation & Trade Martin Pakula ng karagdagang suporta para sa higit 100,000 na mga apektadong negosyo sa Melbourne dahil sa lockdown.


 

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Nagtala ng unang kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory at sasailalim ito sa
  • Queensland, nagtala ng 10 bagong kaso ng coronavirus, lahat ng kaso ay konektado sa kasalukuyang outbreak at nakaquarantine habang nakakahawa
  • At mga taga South Australia, pwede nang bumyahe papuntang Queensland pero babala ni Premier Palaszczuk, hindi sila pwedeng pumunta sa NSW


Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 12 August 2021 3:24pm
Updated 12 August 2021 3:39pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends