COVID-19 Update: Pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa NSW, isinisi sa mga pasaway na residente

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 10 2021

Watu wakufanya usafi waingia ndani ya shule ya umma ya Bondi Beach, Bondi, Sydney, Jumanne, 10 Agosti, 2021

Watu wakufanya usafi waingia ndani ya shule ya umma ya Bondi Beach, Bondi, Sydney, Jumanne, 10 Agosti, 2021 Source: AAP Image/Dan Himbrechts

  • Moderna vaccine, bingyan ng ng provisional approval ng Therapeutic Goods Administration 
  • Bilang nagpapabakuna sa Victoria, tumataas
  • Mga bagong kaso ng COVID-19 sa Queensland, naka- quarantine habang nakakahawa

 New South Wales

Nagtala ng panibagong 356 na kaso ng COVID-19 ang estado, mahigit 100 dito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Tatlo ang naiulat na namatay at sinasabing hindi bakunado ang mga ito. Sa ngayon, umabot na sa 32 ang naiulat na namatay sa kasalukuyang outbreak ng coronavirus.

Sasailalim sa lockdown ang ilang local government areas hanggang Martes, Agosto 17. Kabilang dito ang Byron Shire, Richmond Valley, Lismore at Balina Shire.

Ayon kay Premier Gladys Berejiklian, ang di pagsunod sa mga public health orders ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng virus. Hinihikayat din nito na magpabakuna ang lahat ng residente ng New South Wales.

Victoria

Nagtala ng panibagong 20 kaso ng coronavirus ang estado, lahat ay konektado sa kasalukuyang outbreak. Lima lamang sa mga ito ang naka-quarantine habang nakakahawa.

Samantala, sinabi ni Health Minister Martin Foley, umabot na sa 333,000 ang nagpa-book ng appointment para magpabakuna sa susunod na buwan.

Babala ng pulisya sa mga residente ng Melbourne, maaaring pagmultahin ng higit $5,000 ang sinumang pupunta sa regional areas. 200 pulisya ang idedeploy sa mga kalsada sa buong estado para magbantay. 


 

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Queensland nagtala ng tatlong panibagong kaso
  • 25 milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccine, kinumpira ng gobyerno, 10 milyong doses ang inaasahang darating sa bansa bago matapos ang 2021

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 10 August 2021 2:42pm
Updated 10 August 2021 3:35pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends