COVID-19 Update: Bagong depinisyon ng close contact tinanggihan ng South Australia

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya ngayong ika-31 ng Disyembre 2021.

Prime Minister Scott Morrison holds a National Cabinet meeting in Canberra, 30 December

Prime Minister Scott Morrison holds a National Cabinet meeting in Canberra, 30 December. Source: AAP Image/Lukas Coch

  • Napag-saayunan na ng mga lider na mga estado ang bagong depinisyon ng ‘close contact’. Epektibo na ito ngayon sa New South Wales, Victoria, ACT at Queensland.

  • Susundin ng Tasmania ang bagong depinisyon na ito mula Enero 1; mag-aanunsyo ang Western Australia at Northern Territory sa mga susunod na araw, habang tinanggihan ng South Australia ang mga bagong patakaran.

  • Ang ‘Close contact‘ ngayon ay isang tao na nakatira o nasa isang ‘household-like’ environment kasama ang isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ng di bababa ng apat na oras.

  • Labag sa announcement kahapon, saad ng South Australia’s Chief Public Health Officer kasama pa rin ang mga close contacts ang isang taong may kasamang nag-positibo para sa virus ng 15 na minuto.

  • Sa karamihan ng estado, kinakailangang mag-isolate ng pitong araw at mag-rapid antigen test sa pang-anim na araw ang mga nagpositibo para sa COVID-19 at ang kanilang mga close contacts. Sa South Australia, ang isolation period ay 10 araw pa rin.

  • Hindi na magbibigay ng PCR testing sa mga interstate travellers ang Tasmania mula Enero 1.

  • May isang 2-taong gulang sa South Australia na may COVID ang namatay, ngunit wala pang cause of death.

  • Naabot na naman ng Australya ang isang milestone ng maabot nito ang 90 per cent ng mga tao edad 16 pataas na double vaccinated.

  • Mas nagmamahal ang presyo ng rapid antigen test kits habang bumababa ang stocks nito. May isang Sydney pharmacy na nagbebenta ng $25 para sa isang test.

COVID-19 STATS:

May 21,151 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at anim ang namatay, habang may 5,919 na naiulat na bagong kaso sa Victoria at pitong namatay.

May 3,118 na bagong kaso sa Queensland at 137 sa Tasmania.

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita 



Quarantine and restriksyon kada estado:

Travel

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  





Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

 
 

 






Share
Published 31 December 2021 1:03pm
Updated 31 December 2021 1:26pm


Share this with family and friends