- Tumaas na naman ang mga kaso sa NSW. Naitalang may 3,763 katao ang na-diagnose, at punong puno ang mga clinic.
- May 302 katao sa NSW ang nasa ospital na may virus - tumaas mula sa 284 - at 40 ang nasa ICU.
- Saad ni NSW Premier Dominic Perrottet na plano niyang ibahagi ang isyu ng booster shot interval sa miting ng National Cabinet sa Miyerkules.
- Nasa agenda din ng Cabinet meeting ang mask mandates habang tumataas ang mga kaso sa bansa.
- Ayon kay Prime Minister Scott Morrison, pinapakita ng new modelling na "very unlikely" na umabot ng 200,000 na kaso sa Australya kada araw.
- Saad ng Australia's Chief medical officer na si Paul Kelly na ang media reporting sa modelling ay "selective" at "misleading".
- Inanunsyo ng Queensland Premier na si Annastacia Palaszczuk ang mga panibagong mask requirements para sa sinehan, teatro at hospitality workers mula 5:00 am sa Huwebes.
- Hindi inaasahan ng Moderna's chief executive na magkakaroon ng problema ang pag-develop ng booster shot laban sa Omicron variant ng COVID-19.
COVID Stats:
May 3,763 na kaso at dalawa ang namatay sa NSW, habang 1,503 ang kaso at anim and namatay sa Victoria.
May 186 reported cases sa Queensland, Tasmania 12, ACT 58.
Quarantine and restriksyon kada estado:
Travel
Pampinansyal na tulong
May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:
- Balita at impormasyon para sa higit na 60 na wika sa
- Relevant guidelines para sa iyong estado o teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon ukol sa