COVID-19 Update: Vaccination target para sa nakakuha ng unang dose sa Australia, aabot na sa higit 90 porsyento

Narito ang pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong Nobyembre 11, 2021.

Greg Hunt

Federal health minister Greg Hunt has said that Australia is expected to surpass 90 per cent single dose vaccination target by 1 PM today. Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • Inaasahang malalagpasan ng Australia ang 90 porsyentong vaccination target ngayong araw, ayon kay Federal health minister Greg Hunt.
  • COVID-19 vaccine SPIKEVAX ng Moderna para sa mga batang may edad 6-11, nakakuha na ng provisional approval mula sa Therapeutic Goods Administration
  • Ayon kay Queensland Premier Annastacia Palaszczuk, luluwagan pa ang restriksyon sa Gold Coast kung wala nang maitatalang mystery cases
  • 33 kaso ng coronavirus sa ACT, konektado sa illegal ba Halloween party sa Canberra
  • 80 porsyento ng mga taga Tasmania, kumpleto na ang bakuna
  • Fiji, muling binuksan ang border para sa mga Fijian passport holders, permit holders na may kumpletong bakuna at mga residente. At papayagan na sila makapasok sa bansa, simula Disyembre.
COVID-19 stats

Nagtala ng 1,313 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria at apat ang namatay.

NSW, nagtala ng 261 na panibagong kaso at isa ang namatay.

Nakapagtala naman ng dalawang panibagong kaso ang Queensland, at isa dito ay knoektado sa kasalukuyang outbreak.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, bisitahin ang website na .  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update   website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 11 November 2021 5:43pm
Updated 11 November 2021 5:45pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends