COVID-19 update: Pagluluwag ng mga patakaran kaugnay sa pagbyahe sa Australia, inanunsyo

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong ika-4 ng Hulyo

A supplied image obtained on Sunday, February 13, 2022, of Australian Defence Force medical personnel at an aged-care facility in Victoria. Members of the ADF will be deployed to help assist aged care facilities as they deal with COVID-19 surges.

Australian Defence Force medical personnel were deployed at an aged-care facility in Victoria following a COVID-19 outbreak. (file) Source: AAP Image/Supplied by Australian Defence Force

Ngayong Lunes, umabot sa 26 ang naiulat na namatay dahil sa COVID-19, 24 sa mga ito ay naitala sa Victoria at may tig-isang kaso ang naitala sa New South Wales at South Australia. 

Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng mga nadala sa ospital dahil sa COVID-19 sa buong bansa.

Sa NSW, may naiulat na 1,725 katao ang nadala sa ospital - pinakamataas na naitala simula noong 28 ng Abril. 

72 katao naman ang naiulat na naospital dahil sa COVID-19 - pinakamataas na bilang nitong nakaraang apat na buwan. 

Alamin ang iba pang impormasyon kaugnay sa .
Samantala, inamyendahan ang Biosecurity Act sa bansa at nag-anunsyo ng mga pagbabago sa mga kakailanganin sa pagbyahe sa Australia. 

Sa anunsyo na inilabas ni Minister for Health and Aged Care Mark Butler, Simula 12.01am ng July 6, maari na bumyahe ang pupunta at mula sa Australia na hindi na required na ideklara ang inyong COVID-19 vaccination status.

Ang mga byahero ay kailangan pa din sumunod sa mga natitirang COVID-19 requirements ng mga airlines at shipping operators gayundin ang mga panuntunan ng ibang bansa at mga estado at teritoryo.

Kabilang dito ang pagsusuot ng mask sa mga inbound international flights.

Gayundin ang mga mandato mga estado at teritoryo ng pagsusuot ng mask sa mga domestic flights.

Hindi na kakailanganin ng travel exemption ng mga babayhae sa bansa na may hawak na visa.

Hindi na rin kakailanganin ang Maritime Travel Declaration para sa mga babayhe sa dagat.

Sa ibang balita, nagsampa ng kaso ang Work Safe Victoria laban sa St Basil Homes dahil sa paglabag umano nito sa Occupational Health and Safety Act na nagdulot ng outbreak sa Fawkner residential aged care facility noong 2020, kung saan marami ang namatay. 

Ayon sa Worksafe Victoria, 94 na residente ang naiulat na nagpositibo sa virus, 45 sa mga ito ay namatay dahil sa COVID-19.

Sinubukang kuhanan ng SBS ng pahayag ang St Basil's kaugnay sa isyu. 

Samantala, ayon naman kay Queensland Health Minister Yvette D'ath, susundin nito ang abiso ng Chief Health Officer kaugnay sa pagsusuot ng face mask, bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng impeksyon at mga nadadala sa ospital. 

Nangangamba umano ito na mas maaaring tumaas pa ang bilang ng mga kaso, sa kasalukuyang third wave. 

Nitong weekend, lumagpas na sa 10,000 ang naiulat na namatay sa buong bansa dahil sa COVID-19. Ayon sa mga eksperto, maaari pang umabot sa 14,000 ang bilang kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga kaso. 

Balita naman kaugnay sa monkeypox, ayon sa World Health Organisation (WHO), natriple na umano ang naiulkat na kaso ng monkeypox sa European region nitong nagdaang dalawang linggo. Tinatayang aabot sa halos 90 porsyento ng mga kasong naiulat sa buong mundo ay galing dito, simula pa noong kalagitnaan ng Mayo.
Alamin ang karagadagang impormasyon tungkol sa 


Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic



 I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT 



Alamin ang , pati mga bagong restriksyon sa buong Australia 

Kung kailangan mo ng tulong pinansyal, 

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa 



Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.


Share
Published 4 July 2022 3:08pm
Updated 5 July 2022 9:06am


Share this with family and friends