COVID-19 update: Melbourne Cup papayagan ang 10,000 manonood, NSW naghahanda na muling magbukas bukas

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 10, 2021

Wafanyakazi waandaa viti nje ya mgahawa mtupu, kwa kufunguliwa tena ndani ya jengo la QVB mjini Sydney.

Wafanyakazi waandaa viti nje ya mgahawa mtupu, kwa kufunguliwa tena ndani ya jengo la QVB mjini Sydney. Source: AAP/Dan Himbrechts

  • Melbourne Cup papayagang manood ang 10,000 katao na mga ganap na bakunado, susubukan nito ang kakayahan ng estado na simulan ang malalaking kaganapan
  • NSW naabot ang 90 porsyento ng target na maturukan ng isang dosis ng bakuna habang naghahanda sa muling pagbubukas ng estado bukas, Lunes
  • Mga opisyal ng kalusugan sa tatlong estado naka-alerto matapos na isang flight attendant mula Victoria ay bumiyahe sakay ng ilang Virgin Airlines flights 


Victoria

Victoria nakapagtala ng 1,890 na panibagong locally acquired cases ng COVID-19 at limang pagkamatay. Sa 602 na pasyente na kasalukuyang naka-ospital, wala pang 7 porsyento ang fully vaccinated.

Mga ginagawang contact tracing sa buong estado nakatuon ngayon sa mga positibong kaso at mga pangunahing nakasalamuha.

Inihayag ni Premier Daniel Andrews ang ilang hanay ng kaganapan bilang bahagi ng malawakang pagsubok sa kakayahan ng estado sa muling pagbubukas nito kapag naabot ang 80 porsyento na target na mabakunahan.

Isang live music concert ang gagawin sa Melbourne sa Oktubre 30, papayagan ang ilang libo na manood.

Sa Nobyembre 2, gaganapin ang Melbourne Cup, papayagang manood ang 10,000 katao na fully vaccinated.

Alamin kung saan may . .

New South Wales

New South Wales naitala ang 477 na panibagong kaso ng coronavirus at anim na pagkamatay.

Naabot na ng estado ang 90 porsyento na target nito na mga residente na higit 16 ang edad na maturukan ng unang dosis ng bakuna.

72.8 porsyento ng mga residente na 16 anyos pataas ay mga fully vaccinated na.

Natukoy naman ng sewage surveillance program ng NSW Health ang ilang bahagi ng coronavirus sa mga nakolekta na sample mula sa Uralla sa Hunter New England region.

Alamin kung paano .  

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Queensland walang naitala na bagong kaso ng COVID-19.
  • ACT nakapagtala ng 30 na panibagong kaso, 16 ay naka-ugnay sa mga naunang kaso at ang natitirang iba ay inaalam pa.
  • Naka-alerto ngayon ang mga opisyal ng kalusugan sa tatlong estado matapos na isang flight attendant mula Victoria ay nagtrabaho sa balikan na flight ng Virgin Airline sa pagitan ng Melbourne at Adelaide, Sydney at Newcastle habang ito'y nakakahawa mula Oktubre 4 - 6.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 10 October 2021 2:31pm
Updated 10 October 2021 2:49pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends