COVID-19 update: Lockdown sa Melbourne, tatagal pa ng isang linggo

Health staff monitor people after receiving a COVID-19 vaccination at the Royal Exhibition Building in Melbourne,

Health staff monitor people after receiving a COVID-19 vaccination at the Royal Exhibition Building in Melbourne, Tuesday, August 10, 2021. Source: AAP Image/Daniel Pockett

  • Dubbo sa regional NSW, sasailalim sa lockdown
  • Sa Victoria, limang kaso ng coronavirus iniimbestigahan
  • Lockdown sa Cairns, tinapos na

Victoria

Nagtala ng panibagong 20 kaso ng coronavirus ang estado, lima dito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. Anim sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay Premier Daniel Andrews, magtatagal pa ang lockdown sa Melbourne hanggang Huwebes Agosto 19.

New South Wales

Nagtala ng 344 na panibagong kaso ng COVID-19 ang estado, 65 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Dalawa ang naiulat na namatay, kabilang dito ang isang 90 anyos at 30 anyos na may underlying health condition at parehong di bakunado.

Samantala, sasailalim sa isang linggong lockdown ang Dubbo sa regional New South Wales simula 1pm ngayong hapon matapos maiulat na may dalawang nagpositibo sa virus.

Sinabi ni Chief Health Officer Dr Kerry Chant, 57 sa 62 na mga nasa intensive care ang hindi pa bakunado, habang lima sa mga ito ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Queensland

Nagtala ng apat na panibagong kaso ang estado, lahat ng mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak at naka-quarantine.

Magtatapos naman ang tatlong araw na lockdown sa Cairns at Yarrabah ngayong 4pm, .

Hinihikayat ni Chief Health Officer Dr Jeanette Young ang mga kabataang nasa edad 12-15 na may underlying conditions na magpa-rehistro para magpabakuna.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 11 August 2021 1:16pm
Updated 11 August 2021 1:37pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends