COVID-19 Update: PCR test para sa mga babyahe interstate, sasagutin ng gobyerno kung magpapatest sa mga state-run clinics

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong ika-24 ng Nobyembre 2021.

A woman waits to receive a COVID-19 test in the eastern suburbs of Sydney Tuesday, Sept. 14, 2021.

A woman waits to receive a COVID-19 test in the eastern suburbs of Sydney Tuesday, Sept. 14, 2021. Source: AAP

Nilinaw ni Federal Health Minister Greg Hunt na hindi na kakailanganing magbayad ng mga babyahe interstate para sa kanilang COVID-19 test, kung magpapatest sa state-run clinic. Nangyari ito matapos magkaroon ng kaguluhan kung sino ba talaga ang sasagot sa gastos sa pagpapatest na nagkakahalaga ng $150 kada tao. 

Sa ngayon, ipinapatupad sa Queensland, Western Australia at South Australia ang mandatory na PCR test, at kakailanganing magpa-test tatlong araw bago umalis sa pinanggalingang estado o teritoryo. 

Simula Enero 17,  papayagan nang bumyahe ang mga New Zealanders na may kumpleto na ang bakuna at iba pang eligible travellers sa New Zealand. Hindi na nila kailangang mag-quarantine sa hotel pero kailangangan pa ring mag-quarantine sa bahay ng hanggang pitong araw.

COVID STATISTICS:

NT: Nagtala ng 11 bagong kaso

Victoria: Nagtala ng 1,196 na panibagong kaso at tatlo ang namatay

NSW: Nagtala ng 248 na panibagong kaso at dalawa ang namatay

QLD: Walang bagong naitalang kaso

Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 24 November 2021 4:29pm
Updated 25 November 2021 11:27am
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends