- Inanunsyo ni Punong Minstro Scott Morrison na simula Pebrero 21, bubuksan na ng Australia ang border nito para sa mga turista. Papayagan na makapasok ng bansa ang mga turista na kumpleto na ang bakuna, matapos ang dalawang taon na nakasara ang border ng bansa dahil sa pandemya.
- Ayon sa tresurero na si Josh Frydenberg, gagawing tax-deductible ang mga RAT kits para sa mga negosyo at inbidwal na mangangailangan nito para makapasok sa trabaho. Maaaring i-claim ang mga nagastos sa pagbili ng rapid antigen tests at PCR test simula pa noong Hulyo 1, 2021.
- Magbabalik na ang ilang elective surgery sa ilang mga estado simula ngayong araw. Sa Victoria, papayagan ang 50 per cent capacity, habang sa NSW, papayagan na magpunta ang publiko sa mga pribadong pasilidad, gayundin sa mga regional public hospitals.
- Sa Queensland, ihihinto na ang paggamit ng check-in app sa ilang mga lugar, pero kakailanganin pa rin magpakita ng pruweba ng bakuna kontra COVID-19 sa iba pang mga lugar. Ayon sa gobyerno, nalampasan na ng estado ang 'peak' ng mga kaso nito.
- Nag-anunsyo din ang ACT na hindi kakailanganin mag-check-in sa ilang mga lugar, simula Byernes, 11.59 pm.
- Sa NSW, nag-anunsyo ang gobyerno na makakatanggap ng ayuda ang magulang na nag-homeschool habang naka-lockdown ang estado. Simula Lunes, isang tao kada pamilya o household ang makakatanggap ng limang $50 voucher na pwedeng gamitin para maka-book ng accomodation o di kaya'y para makapaglibang, na magagamit hanggang Oktubre.
COVID-19 Stats
Sa Queensland, 663 ang nasa ospital dahil sa virus, 43 ang nasa intensive care, 19 ang namatay at may naitalang 4,701 na panibagong kaso ang estado
Sa NSW, 2099 ang nasa ospital dahil sa COVID-19, 137 ang nasa intensive care, 14 ang namatay at 7,437 ang natalang panibagong kaso sa estado.
Sa Victoria, 638 ang nasa ospital, 72 ang nasa ICU, 7 ang namatay at 8,275 ang naitalang panibagong kaso.
Sa Tasmania, 15 ang na-ospital, 443 ang naitalang panibagong kaso, at walang naiulat na namatay.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: