COVID-19 Update: Pagbubukas ng international border ng Australia, kasado na; Border ng Queensland, binuksan na ngayong araw

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong 13 Disyembre 2021.

Sydney to Brisbane Domestic Airport, Brisbane

Tom Underhill (left) is reunited with family as he arrives from Sydney to Brisbane Domestic Airport as Queensland opens hard borders after 229 days. Source: AAP Image/Jono Searle

  • Pagbubukas ng international border kasado na ngayong Disyembre 15, ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt
  • Daan-daang pamilya ang muling nagkasama matapos buksan ang border ng Queensland para sa mga residente ng NSW at Victoria. Marami ang nawalay sa kanilang pamilya nang halos limang buwan dahil sa pagsasara ng border ng QLD. 
  • Pwede nang makakuha ng COVID-19 booster shot ang 1.5 milyong Australyano, at pwede nang i-book ito nang mas maaga. Sa halip na anim na buwang paghihintay, ibinaba ang requirement sa limang buwan. Bukod sa Pfizer vaccine, aprubado na din ng ATAGI ang Moderna vaccine para sa booster shot. 
  • Iginiit ni Federal Health Secretary Brendan Murphy na mas kakailanganing kumuha ngayon ng booster shot lalo na't kumakalat ang bagong Omicron variant. 
  • Mula 84 katao, umakyat na sa 700 katao ang konektado sa Argyle House nightclub cluster sa Newcastle. At inaasahang ilan sa mga kasong matutukoy ay Omicron variant. 
  • Nagtala ng siyam na bagong Omicron infections ang NSW 
COVID-19 Stats

  • Nagtala ng 1,290 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at dalawa ang naiulat na namatay. 
  • May 536 na panibagong community cases ang naitala sa NSW. 
  • Mayroong tatlong kaso sa ACT, habang isa naman ang naitala sa Queensland. 

Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 13 December 2021 2:03pm
Updated 13 December 2021 2:11pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends