COVID-19 update: Regional town ng Cowra sasailalim sa lockdown matapos magtala ng isang mystery case

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 20, 2021

Cowra township, Lachlan River Valley (from hill)

The regional town of Cowra in NSW. Source: Getty Images/ The Image Bank RF

  • Regional town  ng Cowra, sasailalim sa lockdown simula alas-singko ngayong hapon
  • Libo-libong vaccine appointments pwede nang ma-access ng mga taga-Victoria
  • Pfizer bookings sa ACT, binuksan para sa mga batang may edad 12 hanggang 15
  • Isang byahero, nagpositibo sa COVID-19 sa Northern Territory

 

New South Wales

Nagtala ng 935 na bagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at apat ang namatay. Sa ngayon, umabot na sa 52.7 per cent ang nabakunahan ng dalawang dose sa estado.

Sa Cowra, nagpositibo sa virus ang siyam na taong gulang na batang lalaki at nadagdagan pa ang bilang ng natukoy na . Dahil dito, sasailalim sa lockdown ang regional town ng Cowra simula alas-singko ngayong hapon. Hinihikayat ng otoridad na manatili sa bahay ang sinumang bumisita sa lugar na ito simula Setyembre 13. Hindi pa natutukoy sa ngayon kung saan nagmula ang impeksyon. At may natagpuan ding traces ng virus sa Darreton sa western NSW.

Victoria

May naitalang 567 na bagong kaso ng COVID-19 at isa ang namatay.

Ayon kay Premier Daniel Andrews, mayroong 4,800 Astrazeneca vaccine appointments at higit 2,000 appointments naman para sa Pfizer vaccine ang pwedeng ma-access ng mga taga-Victoria.

Iginigiit din nya na huwag maghintay para sa Pfizer vaccine sa kabila ng abiso ng National Cabinet kaugnay sa dagdag na supply nito sa darating na Oktubre.

Australian Capital Territory

May naitalang pitong bagong kaso ng coronavirus sa Australian Capital Territory.

Ayon kay ACT Chief Minister Andrew Barr, umabot na sa 55 per cent ang antas ng nakakuha ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

At simula ngayon, pwede na magbook ng Pfizer appointment ang mga batang may edad 12 hanggang 15.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 20 September 2021 3:37pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends