COVID-19 update: NSW, tinapos na ang lockdown sa Orange at Glen Innes, Victoria nabulabog sa paglubo ng kaso ng Coronavirus

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 23, 2021

Protesters are seen at a demonstration against mandatory Covid-19 vaccinations and a two week shutdown of the construction industry at the Shrine of Remembrance in Melbourne, Wednesday, September 22, 2021.  (AAP Image/James Ross) NO ARCHIVING

Protesters are seen at a demonstration against mandatory vaccinations and the construction industry shutdown in Melbourne, Source: AAP/James Ross

  •  Mga residente sa Grafton inabisuhang magpa-Covid test
  •  Victoria, may higit anim na libong aktibong kaso ng Coronavirus
  •  Lockdown sa A-C-T, umabot na sa pitong linggo
  •  Queensland, nakapagtala ng isang bagong kaso ng Covid-19, aktibong kaso naka-home quarantine

 

New South Wales 

Nagtala ng 1,063 napanibagong kaso ang New South Wales, at anim ang namatay.

Samantala, magtatapos na ngayong araw ang lockdown sa Orange at Glen Innes local government areas, habang ang Narromine ay patuloy ang lockdown hanggang Setyembre 25.

Nag-abiso naman ang mga awtoridad sa mga taga-Grafton na magpa-test matapos may natukoy na fragmentz ng virus sa sewage. Sa ngayon, walang nai-ulat na nag positibo ng virus sa naturang lugar.

Victoria

Nakapagtala ng panibagong 766 na kaso ng Coronavirus ngayong araw. Ito na ang pinakamataas na naitala na daily record mula ng magkapandemya apat naman ang namatay.

Inabisuhan naman ang higit 100,000 na mga guro at childcare workers na magpabakuna kahit isang dose bago ang Oktobre 18, at dapat kompleto na  ng bakuna sa Nobyembre 29, maliban na lang kung may mga medical condition o exemption.

Magandang balita para sa bakunado ng mga taga-Victoria na naipit ng lockdown sa  Sydney, dahil pwede na silang makauwi pabalik sa estado simula Setyembre 30.

Kailangan Lang ipakita ang Covid-19 negative test result na hindi pa lagpas sa 72 oras, at mag home quarantine ng labing-apat na araw.

Australian Capital Territory

Nakapagtala ng 16 na panibagong kaso ng COvid-19. Sa ngayon, umabot na sa 674 ang  aktibong kaso sa teritoryo.

At simula ngayong araw,  silang mga may edad 12 anyos pataas hanggang 59 taong gulangay ay pwede ng magpabakuna ng gamot na Moderna mula sa mga lokal na botika.

Narito nman ang mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Inanunsyo ni Federal Tourism Minister Dan Tehan, nakahanda na ang gobyerno pati ang vaccine passports para sa  nalalapit na pabubukas ng international travel ng bansa. At inaasahang mangyayari ito sa buwan ng Disyembre, hindi na din kailangan ang hotel quarantine.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 23 September 2021 3:27pm
Updated 23 September 2021 3:37pm
By SBS/ALC Content
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends