- 12 regional LGA’s sa NSW, makakawala na sa lockdown
- Victoria, magluluwag ng mga restriksyon
- ACT, palalawigin ang COVID-19 support grants
- Sa Queensland, may isang nagpositibo sa virus habang naka-home quarantine
New South Wales
Nagtala ng 1,351 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at 12 ang namatay. Sampu sa mga namatay ay hindi bakunado.
Simula alas-sais ngayong gabi, sasailalim ang Lismore at Albury sa pitong araw na lockdown, matapos sumipa ang bilang ng mga kaso sa mga nabanggit na lugar.
Simula ala-una ngayong hapon, makakawala na sa lockdown ang ilang lugar sa regional NSW, kabilang dito ang Bega Valley, Blayney, Bogan, Cabonne, Dungog, Forbes, Muswellbrook, Narrabri, Parkes, Singleton Snowy Monaro at Upper Hunter Shire.
Victoria
Nagtala ng 514 na panibagong kaso ang estado at umabot na sa 4,370 ang bilang ng mga aktibong kaso.
Inaasahan din na maaabot ng Victoria ang 70 percent na first-dose target ngayong araw at sa Greater Melbourne at regional Victoria, simula hatinggabi ng Byernes, Setyembre 17.
Papayagang nang magtipon sa labas ang mga fully vaccinated na residente, basta’t hindi lalagpas sa limang katao. Para naman sa mga hindi pa bakunado o nakakuha pa lamang ng isang dose, limitado lang sa dalawa ang pwedeng magtipon. Pwede na ring mamili at mag-ehersisyo 10 kilometro mula sa iyong bahay.
Australian Capital Territory
Nagtala ng 15 panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory, walo sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Inanunsyo din ng Commonwealth at gobyerno ng ACT ang pagpapalawig ng COVID-189 Business Support Grants. Napagkasaunduan din na magkakaroon ng karagdagang suporta tulad ng COVID-19 Tourism, Accommodation Provider, Arts, Events and Hospitality Grant. Alamin kung paano mag-apply .
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: