COVID-19 update: Sitwasyon sa NSW, inaasahang 'mas bubuti' kapag naabot ang target na 80% vaccination rate

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 5 2021

Jamii zakwanza zapewa chanjo ya COVID-19 mjini Sydney

Wanachama wa jamii zawatu wa asili, wapokea chanjo za Covid-19 katika zahanati iliyo jenga katika kituo chakitaifa cha ubora wa asili. Source: AAP/Dan Himbrechts

  • NSW, umabot na sa 40 % ang nabakunahan ng dalawang dosis
  • Victoria inihayag ang suporta para sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya
  • ACT nakapagtala ng 15 bagong kaso n COVID-19
  • Queensland nakapagtala ng isang bagong local case

New South Wales
NSW nakapagtala ng 1485 na bagong locally acquired cases, at tatlong pagkamatay. Mahigit 1,000 katao ang nasa ospital, 175 katao ang nasa intensive care, at 72 sa mga ito ay kailangan ng ventilator.

Pumalo na sa 40 % ang nabakunahan ng dalawang dosis at 73 porsyento ang naturukan na ng isang dosis. Sinabi ni Premier Gladys Berejiklian na tiyak na hindi na uli magkakaroon ng lockdown sa buong estado kapag 80 porsyento na ang nabakunahan, pero nagbabala na ang bilang ng mga kaso ay maaaring tumaas pa sa susunod na dalawang linggo.

Victoria
Victoria nakapagtala ng 183 bagong locally acquired cases, 101 ay nakaugnay sa mga kasalukuyang outbreaks.

Inihayag ni Minister Luke Donnellan ang $27 milyon na pagpapalawig ng  para sa mga higit na nangangailangang komunidad.

Alamin kung saan ang pinakamalapit na  

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia
  • ACT nakapagtala ng 15 bagong kaso, 13 sa mga ito ay nakaugnay sa mga kasalukuyang cluster. Anim ang naka-quarantine habang sila'y nakakahawa.
  • Isang bagong locally acquired case ang naitala a Queensland. Ang naturang kaso ay ina ng isang bata na nagpositibo sa virus kahapon.
  • WA, target na mabakunahan ang 80% ng mga residente bago magtakda ng petsa para sa pagluluwag ng mga restriksyon sa mga hangganan.
How can I shop safely
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 5 September 2021 2:45pm
Updated 5 September 2021 4:26pm
By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS


Share this with family and friends