COVID-19 Update: Bilang ng mga na-aadmit sa ICU sa tatlong estado, tumaas

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 27 Enero 2022.

Principal Glenn Butler takes delivery of Rapid Antigen Tests (COVID 19 Self Tests) at Mount View Primary School in Glen Waverley, Melbourne.

Principal Glenn Butler takes delivery of Rapid Antigen Tests (COVID 19 Self Tests) at Mount View Primary School in Glen Waverley, Melbourne. Source: AAP

  • Tumaas ang bilang ng mga dinadala sa ICU dahil sa COVID-19 sa tatlong estado kabilang ang NSW, Queensland at Victoria.
  • Paghahanda sa pagbabalik-eskwela, rollout ng bakuna at isyu sa supply chain, tatalakayin ng Pambansang Gabinete ngayong araw.
  • Umabot pa lamang sa 33.4 porsyento ang mga batang nabakunahan na may edad 5 hanggang 11.
  • Hinihikayat ng otoridad ang mga residente ng NSW na magpabook ng booster shot 
  • Ayon kay Victorian Premier Daniel Andrews, mayroong indikasyon na maaaring gawing mandatory ang ikatlong booster shot para maging kumpleto ang bakuna. 
  • Umabot na sa 59 ang bilang ng mga namatay sa buong bansa dahil sa COVID-19.
  • Naipahatid na ang tulong ng Australia sa Tonga, sakay ng HMAS Adelaide at ipinamahagi  ito sa pamamagitan ng 'contactless delivery'
COVID-19 Stats

Umabot sa 29 ang bilang ng namatay sa NSW dahil sa COVID-19, habang 2,722 katao naman ang naiulat na dinala sa ospital dahil sa virus. 181 dito ay nasa ICU. At umabot naman sa 17,316 ang bilang ng panibagong kaso ngayong araw. 

15 naman ang namatay dahil sa COVID-19 sa Victoria. 1057 ang dinala sa ospital dahil sa virus at 117 sa mga pasyente ay nasa ICU. 13,755 naman ang naitalang kaso ngayong araw sa Victoria.

Nagtala ng 15 pagkamatay ang Queensland, 829 ang naospital. 48 dito ay nasa intensive care. At umabot naman sa 11,600 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw. 

Sa South Australia, mayroong 1,953 na panibagong kaso ang naitala. 288 ang naospital dahil sa virus, at 27 dito ay nasa ICU.

Sa ACT, naitala ang pinakamataas na bilang ng naospital na umabot sa 73 katao, habang bumaba naman sa apat ang na-admit sa ICU.


 

RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 27 January 2022 2:57pm


Share this with family and friends