- Bumaba na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 na nasa intensive care sa apat na estado sa Australia.
- Bumaba na rin ang bilang ng mga kaso sa NSW, Victoria, Queensland at Tasmania. At tatlo sa mga lugar na ito ay nagtala ng mas mababang bilang ng mga naoospital.
- Umabot sa 74 ang naitalang bilang ng namatay ngayong araw dahil sa COVID-19 sa buong Australia.
- Nagbabala ang mga eksperto sa posibleng pagsipa ng mga kaso dahil sa mga kaganapan ngayong public holiday. At inaasahan din nilang tataas pa ang mga kaso sa mga susunod na araw at linggo.
- Lumampas na isang milyon ang kabuuang bilang ng kasong naitala sa NSW. At higit kalahati dito ay naitala nitong nakaraang 15 araw.
- Hinihikayat ng pamahalaan ng Queensland ang mga matatandang residente na umiwas muna sa mga matataong lugar sa mga susunod na linggo.
- Pinahintulutan naman ng Victoria na taasan ang bilang pwedeng pumunta sa Australian Open. Mula 50 porsyento, itataas na sa 65 porsyento ang kapasidad para sa mga laban na hindi pa naaabot ang naunang limit.
- Nagpositibo sa COVID-19 ang mang-aawit na si Elton John at ipinagpaliban muna nito ang dalawang farewell concert na ipapalabas sana sa Estados Unidos.
COVID-19 Stats:
Umabot sa 29 ang bilang ng namatay sa NSW dahil sa COVID-19 ngayong araw. 2,794 ang nadala sa ospital at 175 dito ay nasa intensive care. Nagtala ang estado ng 21,030 na panibagong kaso.
35 naman ang naiulat na namatay dahil sa COVID-19 sa Victoria. 1,089 ang naospital dahil sa virus at 113 dito ay nasa ICU. May 13,507 na panibagong kaso ang naitala ng estado.
Siyam katao ang naiulat na namatay sa Queensland at bumaba ang bilang ng naospital sa 889, mula 928 kahapon. Bumaba naman sa 47 ang nasa ICU, kumpara sa 51 na naitala kahapon. Umabot sa 13,551 ang bilang ng nagka-COVID-19 sa estado.
Sa Tasmania, isa ang naiulat na namatay at nagtala ito ng 712 na panibagong kaso. 28 ang dinala sa ospital at dalawa ang nasa intensive care.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: