Nitong Miyerkules, may 90 katao ang namatay sa COVID-19 kabilang ang 28 sa Victoria, 22 sa South Australia , 20 sa New South Wales at 15 sa Queensland.
Sa ikalawang pagkakataon ngayong linggo, mahigit 50,000 daily new cases ang naiulat sa mga State at Terrritories. May pinaka mataas na bilang sa NSW na may 15,352 bagong infections at sinundan ng Victoria (12,984) at Queensland (9,650).
Alamin ang COVID-19 trends sa mga bagong kaso, mga naospital at namatay sa Australya .
Sinabi ni Punong Ministro Anthony Albanese na hindi ibabalik ang mga paghihigpit at COVID-19 lockdowns, aniya hindi ito hiniling ng mga state premiers at chief ministers noong huling pagpupulong ng gabinete.
Ani PM Albanese nasa mga taga empleyo ang desisyon kung nais nilang mag suot ng mga face masks ang mga emeplyado sa lugar trabaho o mag work from home.
Sinabi ni Punong Ministro Albanese sa media sa Melbourne hindi inirekomenda ng Chief Health Officer Paul Kelly ang mandato sa pagsuot ng face mask.
Ngunit, hinihikayat ni Paul Kelly ang mga Australyano na mag suot ng face masks sa loob ng mga mataong lugar o indoor settings. Noong Martes, inilabas ni Ginoong Kelly ang pahayag na patuloy ang pag taas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Australya nitong darating na buwan.
Ani Professor Kelly maaring magkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga taong mamatay sa COVID-19, partikular sa mga may panganib ng malubhang sakit, mga nasa higit na 80 taong gulang at mga hindi nakapagbakuna ng mga inirerekomendang doses.
Hinikayat niya ang mga taga empleyo na pahintulutan ang work from home.
Tumaas din tatlong beses ang bilang ng mga nagpapabakuna ng ika-apat na dose.
Ayon sa mga health authorities may halos 560,000 ika apat na dose ang naibigay sa unang linggo ng pagpalawak ng mga maaring magpabakuna kung ihahambing sa 180,000 noong nakaraang linggo.
Sa peer-reviewed sa UK naiugnay ang acute COVID-19 sa pagtaas ng anim na beses sa mga cardiovascular diagnoses at 81 porsientong pagtaaas sa diabetes diagnoses.
Nakita sa isa pang peer-reviewed study na inilimbag sa JAMA Network ang pagtaas ng posibilidad na magkaroon ng reaksiyon kung sabay na mabakunahan para sa COVID-19 booster doses at ang influenza vaccines.
Ngunit ang mga side effect na ito ay banayad lamang o moderate.
Ayon sa The Australian Technical Advisory Group on Immunisation hindi nito partikular na inirerekomenda ang pang apat na dose ng bakuna para sa mga buntis na nasa edad 30 taong gulang pataas.
Kailangan komunsulta ang mga nasabing kababaihan sa kanilang mga doktor upang suriin ang kanilang mga pangangailangan pangkalusugan at ang benepisyo at panganib ng ika-apat na dose.
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, kung kayo ay nagpositibo