Ngayong Miyerkules, umabot na sa 57 ang naiulat na namatay sa Australia dahil sa COVID-19. 20 sa bilang na ito ay naitala sa Victoria, 15 sa New South Wales at 12 sa Queensland.
Sa panayam ni Health Minister Mark Butler sa Channel 7, milyon-milyong Australyano ang maaaring mahawaan ng COVID-19 sa mga susunod na linggo. Kaya't hinihikayat nito ang publiko na magsuot pa rin ng mask lalo na sa mga mataong lugar.
Dagdag nito, wala pa syang natatanggap na abiso kaugnay sa pagasasailalim sa lockdown ng mga eskwelehan sa term 3.
Alamin ang iba pang sa mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa, pati na rin ang bilang ng mga nadala sa ospital at namatay.
Wala nang balak ang gobyerno na palawigin ang COVID-19 rapid test Concessional Access Program na nakatakdang magtapos ngayong Hulyo.
Layunin ng programang ito na makakuha ng limang libreng test kada buwan ang mga may hawak na Pensioner Concession card, Commonwealth Seniors Health Care card, Low Income Health care card, at Department of Veterans’ Affairs Gold, White or Orange card.
Pinapayuhan naman ni Punong Ministro Anthony Albanese ang mga concession cardholders na mag-stock ng libreng RAT. Pero giit ng mga doktor at parmasyutiko na wag muna sanang ihinto ang programa lalo na ngayong kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng virus at naoospital dahil sa COVID-19.
Samantala, nakadaong na sa Sydney ang Coral Princess cruise ship kung saan may kasalukuyang outbreak ng COVID-19. Lulan ng barko ang 118 na pasahero at crew na nagpositibo sa virus.114 sa mga ito ay crew ng barko.
Papayagan ding bumaba ng barko ang mga pasahero sa sandaling magnegatibo sila sa COVID test.
Sa ibang balita, idineklara ng World Health Organisation na nananatiling public health emergency ang problema sa COVID-19 na kinakaharap ng maraming bansa sa buong mundo. Ito'y matapos ang ika-labindalawang pagpupulong ng Emergency Committee noong Hulyo 8.
Sa South Australia, sinimulan ng itayo ang bagong pop-up COVID-19 vaccination clinic sa West parklands. Mamimigay ang clinic ng mga Pfizer vaccine sa mga batang may edad lima pataas. Maaari din makakuha dito ng ikaapaat na dose ng bakuna ang mga may edad 30 pataas.
Alamin ang karagadagang impormasyon tungkol sa
Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic
I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT
Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.