Key Points
- Ayon kay G Butler, 'nababahala' sya sa data breach sa Medicare
- ResApp, nakuha ng Pfizer sa halagang $179 milyon
- Bilang ng mga Australyanong nagrereport ng sintomas ng sipon, trangkaso at COVid-19 bumaba na ayon sa ABS data
Tiniyak ni Health Minister Mark Butler na may sapat na dosis ng bakuna kontra COVID-19 ang bansa.
Sinabi din nito sa ABC na sinusubukan ng gobyerno na makakuha ng napapanahong bakuna sa pamamagitan ng mga kasalukuyang kontrata nito sa Pfizer at Moderna.
"Sa ngayon, may kasuduan tayo sa Novavax, Pfizer at Moderna ngayong tag-araw hanggang 2023," dagdag ni G Butler.
Tumugon din ang ministro sa independyenteng pagsusuri na isinagawa ni Professor Jane Halton kaugnay sa pagbili ng bakuna at gamot konta COVID-19.
Mungkahi ng propesor, dapat nang ikonsidera ang opsyon na pagkuha ng Moderna vaccine para sa susunod na taon, ngayong malapit na magtapos ang kontrata nito sa Australia sa katapusan ng taong ito.
Sinabi din ng ministro na tinitignan din ng gobyerno na palitan ang mga Medicare cards na nakompromiso dahil sa Optus data breach.
"Nitong nakaraang linggo lamang kami naabisuhan kaugnay sa data breach ng Optus. At nakakabahala na nitong nakarang 24 oras lang kami nasabihan tungkol sa data breach sa Medicare cards," dagdag pa nito.
Sa ibang balita, napasakamay na ng Pfizer ang ResApp at nakuha nila ito sa halagang $179 milyong dolyar.
Ang kumpanya na naka-base sa Brisbane ay nakabuo ng isang smartphone app na makakatukoy kung ikaw ay may COVID-19 o anumang respiratory illness sa pamamagitan ng pagdinig ng ubo.
Samantala, naglabas ng bagong ulat ang Australian Bureau of Statistics at sinasabing bumaba na ang bilang ng mga Australyanong nagrereport ng sintomas ng sipon, trangkaso at COVID-19.
Ayon kay David Zago, na namamahala ng mga household survey sa ABS, ginawa ang pag-aaral noong 8-28 ng Agosto. At ayon
David Zago, head of household surveys at the ABS, said the study conducted between 8 and 28 August 2022 showed 36 per cent of households experienced cold, flu or COVID-19 symptoms, down from 42 per cent in July 2022.
Alamin kung saan may pinakamalapit na long COVID clinic sa inyong lugar
Alamin kung saan ang malapit na COVID-19 testing clinic sa inyong lugar
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.