- Lockdown sa Greater Sydney, tatagal pa hanggang Agosto 28
- Isang di matukoy na kaso ng COVID-19, iniimbistigahan sa Victoria
- South Australia, walang bagong kasongnaitala
- Queensland, nahaharap sa mas matinding banta ng COVID-19
New South Wales
Nagtala ng panibagong 177 na kaso ng coronavirus at may isang namatay. Halos 46 ang sinasabing infectious o nakakahawa habang nasa komunidad.
Tatagal pa ng apat na linggo ang kasalukuyang lockdown hanggang Sabado, Agosto 28.
Tatlo pang local government areas sa Sydney ang sasailalim sa mas mahigpit na restriksyon kabilang dito ang Campbelltown, Parramatta, at George's River. Mga essential workers lang ang papayagang lumabas.
Kasama din dito ang mga health at aged care workers sa Fairfield, habang kinakailangan namang magpatest kada tatlong araw ng mga essential workers sa Canterbury-Bankstown.
Mahigpit na ipinapatupad ang mga patakaran sa buong Greater Sydney. Papayagan ang mga residente mamili at mag-exercise sa loob ng 10km mula sa kanilang bahay.
Victoria
Nakapagtala ng siyam na bagong kaso ang estado. Walo sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak, habang isang kaso ang iniimbestigahan pa.
May mga ipanapatupad pa ring paghihigpit. Obligado pa ring magsuot ng mask sa labas at sa loob ng gusali o opisina.
Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia
- 19 sa 21 crew ng isang bulk carrier ang nagpositbo sa COVID-19, habang isa ang sinasabing nasa komunidad habang infectious sa loob ng anim na araw.
- South Australia, walang naitalang bagong kaso sa ikalawang magkasunod na araw
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: