- Dagdag na restriksyon sa NSW, inanunsyo
- Contract tracing sa Shepparton, Victoria, sinimulan matapos matukoy ang isang kaso ng COVID-19
- ACT, nagtala ng 12 panibagong kaso
- Border restrictions, niluwagan sa South Australia
New South Wales
Nagtala ng 644 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 41 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Apat ang naiulat na namatay at lahat ng ito ay nakakuha ng isang dose ng bakuna.
Simula Lunes Agosto 23, may mga dagdag na patakarang ipapatupad sa mga kabilang ang curfew simula 9pm hanggang 5am. Papayagan ang mga residente na mag-ehersisyo isang oras kada araw.
Patatagalin pa ang lockdown sa Greater Sydney hanggang Seyembre 30.
Victoria
Nagtala ng 55 na panibagong kaso ang estado, anim sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. 30 sa mga kasong ito ay nasa komunidad habang nakakhawa.
Pinag-iingat ang mga residente sa Shepparton sa regional Victoria matapos may magpositibo na isang kaso.
Australian Capital Territory
Nagtala ng 12 panibagong kaso ang ACT, isa dito ay kasalukuyang iniimbestigahan. Sa ngayon, umabot na sa 94 ang bilang ng mga aktibong kaso.
May isang pasyente na nagka-COVID-19 ang na-admit sa ospital. May naitalang kabilang dito ang pampublikong sasakyan, kainan at childcare outlet,
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Northern Territory at Queensland wala na naming naitalang bagong kaso ng coronavirus
- South Australia, nagluwag ng border restrictions sa northern at regional Queensland, pati na rin sa ilang lugar sa Northern Territory

Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: