Magpapatawag ng security meeting ang punong ministro bago ang pagpupulong ng national cabinet para mailatag ang plano at mapag-usapan ang posibleng epekto ng pagpasok ng Omicron variant sa bansa, na sinasabing mas mabilis makahawa kumpara sa mga naunang COVID-19 strain.
Dalawang pasaherong galing ng southern Africa ang nakumpirmang nagpositibo sa bagong variant ng sakit. Sa ngayon, hindi muna papayagang makakapasok sa bansa ang mga manggagaling sa siyam na bansa sa southern Africa, na hindi mamamayan ng Australia.
Ayon kay Health Minister Greg Hunt, magpapatupad ng mga travel restrictions ang gobyerno batay sa ihahaing medical advice at agaran itong kikilos kung kinakailangan. Sa ngayon, naghahanda na din ang bansa para sa nalalapit na pagbubukas ng border para sa mga visa holder na may kumpleto nang bakuna, mga skilled workers at international students sa darating na Miyerkules, Disyembre 1.
Ipinagutos din ng gobyerno sa ATAGi na pag-aralan ang time frame sa pamimigay ng booster shots batay sa makakalap na resulta sa ibang bansa na kasalukuyang nahaharap sa bagong krisis sa pag-usbong ng Omicron variant. Sa ngayon, kasalukuyang ipinapatupad na kakailanganing magkaroon ng booster shot ang mga residente, anim na buwan matapos makuha ang ikalawang dose.
COVID-19 Statistics:
Victoria: Nagtala ng1,007 na panibagong kaso at tatlo ang naiulat na namatay.
New South Wales: Nagtala ng 150 na panibagong kaso.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: