COVID-19 Update: Apat na milyong mga taga-Victoria may kumpletong bakuna na, NSW inanunsyo ang pagbabalik ng community sport

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 23, 2021

NSW Premier Dominic Perrottet has announced a $25m boost for community sport

NSW Premier Dominic Perrottet has announced a $25m boost for community sport. Source: AAP

  • Apat na milyong Victorians, may kumpletong bakuna na
  • Kakulangan sa kasanayan at manggagawa, isang tunay na hamon ayon sa NSW Premier
  • Mga international flights mas mabenta kumpara sa mga domestic flights ayon sa Qantas

Victoria

Nag-ulat ang Victoria ng 1,750 panibagong kaso ng coronavirus at siyam na kamatayan kasabay ng unang weekend ng pagtatapos ng lockdown sa Melbourne.

sa 770 na pasyente sa pagamuta, 144 ang nasa icu at 90 ang kinabitan ng ventilator.

Nagbabala ang mga awtoridad na aasahan pa ang pagtaas ng mga tala sa mgapaparating na linggo.

Sinabi ng Victoria’s COVID-19 Commander, Jeroen Weimar, apat na milyong mga taga-Victoria ang ngayon ay fully vaccinated at ito ay naglalagay sa estado sa isang mlakas na posisyon upang magpatuloy ang pagpapaluwag ng mga restriksyon.

NSW

Nakapagtala ang New South Wales ng 332 panibagong COVID-19 at dalawang kamatayan.

Inanusyo ng awtoridad kahapon na ilang mga ang kaagarang sinarado bago paman ang deep cleaning at contact tracing.

Sinabi ni Premier Dominic Perrottet na isang totoong hamon ang kakulangan sa kasanayan at manggagawa lalo na sa mga rehiyonal na lugar sa sektor ng hospitality. Aniya, ang pangangalakakal ay tumaas ng 200 porsyento ngunit ang manggagawa ay nasa 50 porsyento lamang.

Nag-anunsyo ang estado ng isang $25 million support package upang palakasan ang community sport.

Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Ayon sa Qantas CEO Alan Joyce na nakita ng airline na mayroong "phenomenal reaction" at '"massive' na demand kasabay ng desisyong ipagpatuloy ang mga flight. Mabilis na nabenta ang mga flight sa loob ng maikling oras, at mas nabebenta ang mga international kumpara sa mga domestic flights.
  • ACT nakapagtala ng 24 panibagong kaso ng COVID-19, Queensland walang naitalang kaso.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 23 October 2021 1:16pm
Updated 23 October 2021 1:26pm
Presented by Claudette Centeno


Share this with family and friends