Latest

COVID-19 update: Dating PM Scott Morrison humaharap sa alegasyon ng pagkakaroon ng shadow cabinet sa pandemya

Ito ang inyong COVID-19 update sa Australia ngayong ika-15 ng Agosto

QUESTION TIME

Former Australian Prime Minister Scott Morrison (left) with former Australian Health Minister Greg Hunt (centre) at Parliament House in Canberra. (file) Source: AAP / LUKAS COCH/AAPIMAGE

Key Points
  • Lumabas sa isang ulat na si dating PM Scott Morrison ay itinalaga ang sarili bilang kasamang ministro sa ilang tungkulin
  • Health Minister Mark Butler walang planong itigil ang tapusin ang bulk billing
  • WHO pumayag na bigyan ng bagong monkeypox
Nitong Lunes, sa Australia iniulat na halus 28 ang namatay sa COVID-19, kabilang ang 15 sa Victoria, 6 sa New South Wales at 4 sa South Australia.

Alamin ang pinakahuling bilang ng kaso, pagka-ospital at pagkamatay dahil sa COVID-19 sa .
Ayon kay Prime Minister Anthony Albanese iimbestigahan ng gobyerno ang alegasyon umano'y itinalaga ni dating Prime Minister Scott ang sarili bilang kasamang health, finance at resources minister sa pagsisimula ng pandemya.

"Scott Morrison nagpapatakbo ng shadow government," sabi ni Mr Albanese.

Sa pananaliksik ng Australian National University (ANU) at University of Sydney ang pandemya ang nagpabago sa takbo ng mga nagtatrabaho sa retail na industriya.

Dagdag nito silang mga manggagawa sa retail ang naiwan dahil sa bilis ng pagbabago ng teknolohiya.
Tinatayang nasa 25 porsyento ng mga manggagawa ang inaasahang mawawalan ng trabaho kapag hindi makakuha ng technical skills na kinakailangan.

Samantala, inanunsyo ng pamahalaan ng Victoria ang pundo para sa bagong medikal na pasilidad na bubuo ng teknolohiya. Kabilang sa gagawing proyekto ang instant sensor na makakumpirma ng COVID-19, trangkaso at lahat ng sakit na may kinalaman ang paghinga o respiratory system.

Sa pahayag ni Health Minister Mark Butler sa 891 ABC ADELAIDE sinabi nito na wala itong plano na itigil ang bulk billing.

Dagdag nito sa kasaysayan nitong 40 taon na serbisyo ng Medicare pinakamapanganib ang estado nito ngayon.

Sa estado ng Tasmania, simula sa ika-30 ng Agosto, isasara na ang lahat ng COVID-19 community vaccination centres. Habang maaaring magpabakuna laban sa COVID silang mga residente sa doktor o GPs at botika.

Pumapayag naman ang World Health Organization na pangalanan angg monkeypox variants gamit ang Roman numerals. Bukas naman ang tanggapan sa konsultasyon at mungkahi sa mga bagong pangalan.

Basahin ang impormasyon tungkol sa
Hanapin ang COVID-19 testing clinic

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive

Australia

Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa

Share
Published 15 August 2022 6:59pm
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends