- Ipinasa na ng Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) sa pulis ang reklamo laban sa mga nanamantala at nagtaas ng presyo ng rapid antigen tests matapos makatanggap ang ahensya ng higit 100 reklamo kada araw mula sa mga konsyumer.
- Ayon sa ahensya, nasa $5 hanggang $10 lamang kada test ang presyo ng RAT kits kung bibilhin ito ng maramihan. Pero ayon sa mga report, may ilang mga nagbenta ng $20 hanggang $30 kada test, habang ang ilang maliliit na negosyo ay itinaas pa sa $70 kada test ang kanilang presyo.
- Aabot sa $209 milyong dolyar naman ang ipamimigay ni Punong Ministro Scott Morrison sa mga nagtatrabaho sa aged care bilang pagtugon sa nangyayaring krisis na lubhang nakaapekto sa naturang sektor, pero binatikos ito ng unyon ng mga manggagawa at ayon sa mga ito, ginagamit ito ng Punong Ministro para makakuha ng boto sa darating na eleksyon.
- Magbubukas ng pop-up vaccination clinic sa Victoria, kabilang ang Melbourne Zoo at Aquarium, para mapataas pa ang bilang ng mga batang hirap makakuha ng bakuna.
- Balik-ensayo na para sa Winter Olympics ang Australian Olympic Curler na si Tahli Gill, kasama ang ka-teammate na si Dean Hewitt matapos magpositibo sa COVID-19. Sa ngayon, parehong nakakuha na ng negatibong resulta ang dalawa.
- Magpupulong ngayon ang gabinete ng New Zealand kaugnay sa pagbubukas ng border. Sa ngayon, kakailanganing mag-isolate ng 10 araw sa quarantine hotel
Covid-19 Stats:
Sa NSW, may 2,749 ang naospital dahil sa virus at 183 dito ang nasa ICU, 70 ang nangailangan ng ventilator. 30 ang namatay at 12,818 ang naitalang bagong kaso.
Sa Victoria, 851 ang dinala sa ospital at 106 ang nasa intensive care. 34 ang namatay dahil sa virus at may naitalang 11,311 na panibagong kaso.
Sa Queensland, 868 ang nadala sa ospital at 50 ang nasa ICU. Tatlo ang namatay at may 1,266 na naitalang panibagong kaso.
May naitalang 273 na nadala sa ospital sa South Australia at 22 ang nasa intensive care. Tatlo ang namatay at may naitalang 1,266 na panibagong kaso.
Nagtala ng 699 n apanibagong kaso ang Tasmania, 16 ang nasa ospital, isa ang nasa ICU at walang naitalang namatay sa estado.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- News and information over 60 languages at
- Relevant guidelines for your state or territory: , , , , , , .
- Information about the .