COVID-19 update: Paggamit ng vaccine passports simula Oktubre, inanunsyo ng Pederal na gobyerno

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 8, 2021

A member of the public scans a QR code to check into a seafood store in Bankstown, Sydney, Wednesday, September 8, 2021. (AAP Image/Bianca De Marchi) NO ARCHIVING

A member of the public scans a QR code to check into a seafood store in Bankstown, Sydney, Wednesday, September 8, 2021. Source: AAP Image/Bianca De March

  • Traces ng virus, natagpuan sa mid-north coast sa NSW
  • Regional Victoria, luluwagan ang mga restriksyon, maliban sa Shepparton
  • Mga year 12 na estudyante sa ACT hinikayat na tumawag sa hotline para magpabook ng bakuna

New South Wales

Nagtala ng 1,480 na panibagong kaso ang New South Wales, siyam ang namatay at pito sa mga namatay ay hindi bakunado.

May natagpuan namang traces ng virus sa Bonny hills, kasama din ang Glebe, Waterloo, Redfern at Marrickville kung saan may natukoy na matataas na kaso.

Hinihikayat ng NSW Health ang lahat ng mga apektadong residente na magpabakuna.

Ayon kay Premier Gladys Berejiklian, 75 porsyento ng mga residente ang nakakuha na ng kanilang unang dose ng bakuna, habang 45 porsyento naman ang fully vaccinated.

Victoria

Nagtala ng 221 na panibagong kaso ng coronavirus, 98 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak. Simula hatinggabi ng Setyembre 9, at papayagan nang makalabas ang mga residente, maliban na lang sa mga nasa Greater Shepparton.

Hinihikayat pa rin ng gobyerno ang mga residente na magpabook ng bakuna gamit ang Astrazeneca.

Sa ngayon, may 10,000 Astrazeneca appointments na pwede nang i-book sa Victoria.

Australian Capital Territory

Nagtala ng 20 bagong kaso ng coronavirus ang Australian Capital Territory, 11 dito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Hinihikayat rin ang mga Year 12 na estudyante na magpabook ng bakuna  bago mag September 17. Maaaring tumawag sa booking hotline .

Alamin kung paano magpa-book ng .

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Inanunsyo ng gobyerno ang paggamit ng vaccine passports para sa mga babyahe sa labas ng bansa simula Oktubre bagamat wala pang malinaw na indikasyon na bubuksan na ang border ng Australia 
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 8 September 2021 3:22pm
Updated 9 September 2021 2:56pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends