- May 2,501 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW ngunit walang namatay nitong nakalipas na 24 oras. Bumaba ng 65 na kaso mula sa nakaraang araw na record high na 2,566.
- Saad ni NSW Premier Dominic Perrottet na panatag ang loob niya na maaaring ligtas na magbukas ang estado at iniwasan niya ang mga tawag na ibalik ang mask mandates.
- Ayon kay Dan Suan, isang immunologist sa Westmead Hospital, dahil sobrang nakakahwa ang bagong Omicron variant, kailangan agad-agad umakto ang pamahalaan.
- Ayon sa Northern Territory’s peak Aboriginal health group, mas gagrabe ang mga kaso ng coronavirus dahil sa housing crisis, habang magbubukas ang mga borders sa Australya sa Lunes.
- Maaaring tumaas ang population growth sa Australya ng 0.3 per cent sa 2021/22 lamang bago ito tumaas ng 1.4 per cent sa 2024/25.
- Inaasahang magiging mas maliit ng 1.5 million ang populasyon sa Australya pagkatapos ng 10 taon, kumpara sa pre-pandemic estimates.
- Ayon sa Chief Health Officer ng Queensland, dumodoble kada 48 oras ang kaso ng COVID sa estado at hinuhulaang ito'y tataas pa sa Enero.
COVID-19 STATS:
Nag-rekord ng 2,501 locally acquired cases at walang namatay ang NSW.
Nag-rekord ng 1,302 bagong kaso sa kumonidad at walang namatay ang Victoria.
Nag-rekord ng 59 kaso ang Queensland, 13 ang ACT, at 3 ang Tasmania at Northern Territory.
Quarantine and restrictions kada estado:
Travel
at Covid-19 at impormasyon ukol sa paglalakbay
Financial help
May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag naabot na nga mga estado ang 70 ay 80 per cent fully vaccinated:
- Balita at impormasyon sa 60 na wika sa
- Mga relevant guidelines para sa iyong estado o teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon ukol sa .