- Deputy Prime Minister Barnaby Joyce, nagpositibo sa COVID-19 habang nasa US at kinakailangan nya muna mag-isolate doon bago payagang makabalik ng bansa.
- Queensland, naabot na ang 80 porsyentong vaccination target para sa mga may edad 16 pataas.
- Queensland at Victoria, nagtala na rin ng unang kaso ng Omicron variant
- May natukoy na 44 na kaso na konektado sa pub trivia night, pero sa ngayon, hindi pa umano sigurado kung ang mga kaso ay Omicron variant.
- Nagtala ng walong kaso ng Omicron variant ang NSW at umabot na sa 42 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng variant na ito sa estado.
- Hindi umano bibigyan ng special treatment si Novak Djokovic. Ayon kay Punong Ministro Scott Morrison, kailangan sumunod ng tennis star sa lahat ng patakaran para makapaglaro sa Australian Open, katulad ng pagdadaanan ng ibang manlalaro.
COVID-19 STATS
Nagtala ng 1,232 na panibagong kaso ang Victoria at siyam ang naiulat na namatay.
May 420 community cases na naitala sa NSW at isa ang namatay.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: