Kinokontak na ng mga awtoridad ang 140 katao na kasama sa Sydney Harbour boat cruise noong nakaraang Byernes ng gabi matapos may limang kataong magpositibo sa COVID-19. Nangangamba ang mga awtoridad na posibleng tinamaan umano ang mga ito ng mas nakakahawang Omicron variant.
Ayon sa World Health Organisation, hindi umano ganoon kalala ang epekto ng Omicron variant kumpara sa mga naunang variant. Pero babala nito, hindi pa rin dapat magpakakampante.
Inaasahan namang magbababa na ng desisyon ang ATAGI para sa pinal na pag-aapruba ng pagbibigay ng Pfizer vaccine para sa mga batang may edad lima hanggang labing-isa. Sa oras na maprubahan ito, inaasahan ding makakatanggap na ng bakuna ang mga bata bago sila pumasok ulit sa susunod na taon.
COVID Statistics
Nagtala ang Victoria ng 1,312 na panibagong kaso at lima ang namatay.
May 403 na kaso ang naitala ng NSW at isa ang naiulat na namatay.
Queensland at NT, nagtala ng dalawang panibagong kaso habang walo naman ang naitala sa ACT.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: