COVID-19 Update: Tumataas ang mga kaso sa Australya habang pinag-iisipan ng national cabinet ang plano ukol sa rapid test

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya ngayong ika-5 ng Enero 2022.

Perrottet presser Vaccination Centre

NSW Premier Dominic Perrottet speaks health workers during a visit to the South Western Sydney Vaccination Centre in Sydney, Wednesday, January 5, 2022. Source: Credit: AAP Image/Bianca De Marchi

  • Aminado si NSW Premier Dominic Perrottet na may "substantial pressure" sa health system ng NSW pagkatapos magtala ang estado ng 35,054 na bagong kaso at walong namatay. 

  • Sa NSW, ang bliang nga mga nasa ospital dahil sa COVID-19 ay tumaas ng 1,491, mula 1,344 noong Martes. Kasalukuyan, may 119 na katao na nasa ICU dahil sa virus.

  • Hinihikayat ni Perrottet na magpa-book na ng appointment ang 2.5 milyong katao na maari ng magpa-booster shot.

  • Saad ng NSW premier na gumagawa na sila ng plano upang makabalik ang mga bata sa classroom sa unang araw ng term. Ayon kay Perrottet, malaking bahagi ng planong ito ang rapid antigen tests (RATs).

  • Subsidised ang mga tapid antigen tests para sa mga taong mababa ang sahod sa ilalim ng planong pag-uusapan sa susunod na national cabinet meeting ng prime minister.

  • Napilitang mag-deklara ng "code red" kagabi ang Ambulance Victoria dahil sa sobrang daming nangailangan ng mgs serbisyo nito sa greater Melbourne. 

  • Sa Victoria, may 591 katao sa Victorian hospitals na may COVID-19 noong Miyerkules.  

  • Saad ng South African Medical Association chair na si Angelique Coetzee na di kasing grabe ang Omicron kumpara sa Delta. Ang bilang ng mga tao na mayroon ng bagong strain na nasa intensive care ay mas mababa kaysa sa mga may Delta noong nakalipas na taon.

  • Nagtala ng isang milyong kaso sa isang araw ang US. Ito ay bagong global record.

COVID-19 STATS:

May 35,054 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at walong namatay, habang may 17,636 na naiulat na bagong kaso sa Victoria at labing-isang namatay.

May 6,718 na bagong kaso sa Queensland.

May 810 na kaso sa ACT, habang 867 ang positibo sa virus sa Tasmania. 

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita 



Quarantine and restriksyon kada estado:

Travel

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  





Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

 
 

 






Share
Published 5 January 2022 1:33pm


Share this with family and friends