COVID-19 Update: Border ng Australia, bukas na para sa mga skilled workers at international students

Narito ang mga pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong 15 Disyembre 2021.

People arrive at Hobart Airport in Hobart, Wednesday, December 15, 2021. Tasmania has reopened to all fully-vaccinated travellers from mainland states and territories. (AAP Image/Rob Blakers) NO ARCHIVING

People arrive at Hobart Airport in Hobart, Wednesday, December 15, 2021. Source: AAP

  • Papayagan nang makapasok sa Australia ang mga skilled worker at international students at hindi na kakailanganin ang travel exemption. 
  • Muling binuksan ang border ng Tasmania matapos manatiling sarado ng 22 buwan.
  • Papayagan na ang mga residente ng Victoria na hindi pa kumpleto ang bakuna na makapasok sa mga non-essential retail at makapaunta sa mga kasal at libing at maka-access sa real estate services 
  • Lumobo sa higit 500 ang bilang ng panibagong kaso ng COVID-19 na naitala sa NSW. Inaasahan din na mas tataas pa ang bilang na ito ngayong maaari nang makagala at makihalubilo ang mga residenteng hindi pa bakunado.
  • 25 bagong kaso ng COVID-19 Omicron variant, naitala sa NSW. Sa ngayon, umabot na sa 110 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng bagong variant. 
  • Base sa modelling ng University of NSW, maaaring umabot pa sa 25,000 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 pagdating ng huling araw ng Enero, ayon kay Health Minister Brad Hazzard
  • Nangangamba naman ang World Health Organisation chief na si Tedros Adhanom Ghebreyesus sa pagkalat ng Omicron variant. 
  • Lumabas sa bagong pag-aaral na isinagawa sa South Africa, na ang dalawang dose ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ay makakapagbigay ng 70 porsyentong proteksyon laban sa epekto ng Omicron variant. 
COVID-19 STATS: 

Nagtala ng 1,405 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria at tatlo ang naiulat na namatay. 

May 1,360 na bagong community cases ang naitala sa NSW. 

Nagtala naman ng pitong kaso ang ACT, habang anim naman ang naitala sa Queensland. 


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 15 December 2021 4:29pm
Updated 16 December 2021 8:00am


Share this with family and friends