Latest

COVID-19 update: Booster dose para sa mga batang edad 5-11, inaprubahan ng TGA

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-21 ng Setyembre.

CHILD VACCINATIONS VICTORIA

A health worker administers a COVID-19 vaccine at a pop-up vaccination clinic in Melbourne. (file) Source: AAP / CON CHRONIS/AAPIMAGE

Key Points
  • Mga taga-Queensland, hindi na kailangang magsuot ng facemask sa mga pampublikong transportasyon
  • WHO nagbabala kontra dalawang COVID-19 antibody treatments
  • Dalawang bagong subvariant binabantayan ng mga awtoridad ng kalusugan
Pansamantalang inaprubahan ng Therapeutic Goods Administration ang booster dose ng Pfizer para sa mga batang edad 5-11.

Pero sinusuri pa ng Australian Technical Advisory Group on Immunization ang bakuna at irerekomenda ito sa Health Minister.

Queensland naging pinakabagong estado na alisin ng mga pangangailangan na pagsusuot ng face sa mga pampublikong sasakyan, kabilang ang mga taxi at serbisyo ng rideshare.

Hindi na rin kailangang magsuot ng face mask ang mga residente habang naghihintay sa isang platform, sa hintuan o hintayan ng taxi.

Tanging sa Victoria at Australian Capital Territory (ACT) na lamang kailangan ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong bus at tren.

Maaaring tapusin ng ACT ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon sa katapusan ng Setyembre.
Sinabi ni Assistant Minister for Health and Aged Care Ged Kearney na namumuhunan ang gobyerno sa isang bagong pag-aaral sa mga bakuna at impeksyon sa COVID-19.

Susuriin ng pag-aaral ang immune response sa mga bata at matatanda na may malalang kondisyon, tulad ng sakit sa bato at baga, inflammatory bowel disease, rheumatic diseases, mga taong may HIV at mga organ transplant.

Nagbabala naman ang World Health Organization kontra sa dalawang antibody treatment na sotrovimab and casirivimab-imdevimab.

Sinabi nito na ang mga gamot na ito ay hindi epektibo laban sa COVID-19.

Binabantayan naman ng mga mananaliksik ang isang bagong variant na tinawag na BF.7.

Ang variant, na kilala rin bilang BA.5.2.1.7, ay natagpuan sa ilang bansa ngunit responsable para sa higit sa 25 porsyento ng mga impeksyon sa Belgium at halos 10 porsyento sa France, Germany at Denmark.

Isa pang bagong variant, ang BA.4.6 ay nananatiling isang alalahanin dahil ito ay bumubuo ng higit sa 10 porsyento ng mga impeksyon sa US.

Alamin kung saan may long COVID clinic sa inyong lugar

Alamin kung saan ang malapit na COVID-19 testing clinic sa inyong lugar

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.

Bago kayo bumiyahe patungong ibang bansa,

Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa

Share
Published 21 September 2022 2:29pm
Source: SBS


Share this with family and friends