Latest

COVID-19 update: Average na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba na ng 15 porsyento

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-23 ng Setyembre.

NSW CORONAVIRUS COVID19

People on the main street of Merrylands in Western Sydney. (file) Source: AAP / DAN HIMBRECHTS/AAPIMAGE

Key Points
  • WA, ipinasa sa ang kontrobersyal na Bill sa mababang kapulungan para mapalitan ang emergency powers
  • Tasmania, naganunsyo ng bagong serbisyo para sa mga nakakaranas ng long COVID
  • Booster doses para sa Omicron variant, malapit nang maaprubahan sa US
Nagpasa ng bagong batas sa mababang kapulungan ang Western Australia para mapalitan ang emergency powers na naunang ipinatupad nitong pandemya.

Ang Emergency Management Amendment (Temporary COVID-19 Provisions) Bill 2022 ay magbibigay-daan sa gobyerno ng McGowan na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga restriksyon sa COVID-19.

Pagdedebatihan umano ang nasabing batas sa mataas na kapulungan ngayong Oktubre.

Ngayong Biyernes, inilabas ang panibagong lingguhang report ng mga kaso ng COVID-19 sa Australia.

At batay sa report, umabot sa 6,543 ang naitalang average na bilang ng kaso ngayong katapusan ng linggo, Setyembre 20. Tinatayang mas mababa ng 15 porsyento kumpara noong nakaraang linggo.

Sa Tasmania, inilunsad naman ang bagong Post COVID-19 Navigation Service para sa mga nkakaranas pa ng sintomas ng coronavirus matapos ang 12 linggo.

Simula bukas (Sabado), hindi na kakailanganing magpa-book ng PCR test sa lahat ng state-run clinics sa Tasmania.

Ayon sa ulat ng The Guardian, tumaas ng higit 20 porsyento ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa England ngayong linggo, matapos ang patuloy na pagbaba ng kaso simula pa noong Hulyo.

Sa US, inaasahang ilalabas na ng Food and Drug Administration ang bagong booster dose para sa Omicron variant para sa mga batang may edad lima hanggang 11. At ayon sa ahensya, "ilang linggo na lamang ang hihintayin" ng mga tao para makakuha nito.

Sa ngayon, wala pang booster dose na naaaprubahan para sa mga bata sa Australia.

Gayunpaman, kasalukuyang sinusuri ng Australian Technical Advisory Group on Immunization ang desisyon ng Therapeutic Goods Administration na payagan ang mga booster sa mga bata.

Samantala sa ibang bansa, naglabas na ng plano ang Japan, Taiwan at Hong Kong kaugnay sa muling pagbubukas ng kanilang mga border.

Tanging ang China at North Korea na lamang ang dalawang bansa na nagpapatupad ng restriksyon para sa mga papasok sa kanilang bansa.

Alamin kung saan may pinakamalapit na long COVID clinic sa inyong lugar

Alamin kung saan ang malapit na COVID-19 testing clinic sa inyong lugar

I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.


Bago kayo bumiyahe patungong ibang bansa,

Share
Published 23 September 2022 2:41pm
Updated 23 September 2022 2:45pm
Source: SBS


Share this with family and friends