COVID-19 update: Otoridad, nanawagan sa mga residente na magpa-test at magpabakuna

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 17 2021

Jeshi la Ulinzi la Australia

Maafisa wa jeshi la Australia, wawasaidia watu walio enda kupokea chanjo katika kituo cha chanjo cha Qudos Bank Arena, NSW. Source: AAP Image/Bianca De March

  •  Karamihan sa kaso ng nagka-COVID sa NSW, nasa edad 40 pababa
  • Victorian Premier na nanawagan sa mga residente na magpa-test kung may nararamdamang sintomas
  • ACT, nagtala ng 17 na kaso ng coronavirus
  • Northern Territory, walang naitalang bagong kaso sa unang araw ng snap lockdown

New South Wales

Nagtala ng 452 na panibagong kaso ang New South Wales, 50 dito ay nasa komunidad habang nakakahawa. 75% sa mga nagpositibo sa sa virus ay nasa edad 40 pababa. Isang babae na nasa late 70s ang namatay at hindi umano bakunado.

Samantala, hinihikayat naman ang mga residente ng Lennox Head na magpa-test kung may nararamdamang sintomas, matapos may matagpuang traces ng COVID sa wastewater testing facility nito.

Nananawagan rin si Premier Gladys Berejiklian sa mga residente ng New South Wales na nasa edad 70 pataas na magpabakuna.

Victoria

Nagtala ng 24 na panibagong kaso ng COVID-19 ang estado, 3 sa mga kasong ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak at 10 ang nasa komunidad habang nakakahawa.

Nananawagan si Premier Daniel Andrews sa mga residente ng St Kilda at kalapit na lugar kabilang ang Port Philip at Bayside na magpa-test kung may nararamdamang anumang sintomas.


Mga huling kaganapan sa huling 24 na oras sa Australia

  • ACT nagtala ng 17 na panibagong kaso ng coronavirus at umabot na sa 45 ang mga aktibong kaso sa estado. At umabot na sa halos 100 ang mga natukoy na exposure sites.
  • Northern Territory, walang bagong naitalang kaso sa kabila ng naitalang 1,846 na mga nagpatest kahapon
  • Queensland, nagtala ng isang panibagong kaso at kasalukuyan itong naka-quarantine.

alc covid mental health
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 17 August 2021 1:59pm
Updated 17 August 2021 3:41pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends