Ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt, nagsumite na ang Pfizer ng kanilang aplikasyon para maaprubahan ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang.
Inaasahang magsisimula na din ang pagbabakuna sa sandaling ma-aprubahan ito ng ATAGI.
Sinabi din Mr Hunt na malapit nang maabot ng bansa ang higit 80 porsyentong double vaccination rate.
Samantala , maglalagay din ang Goondiwindi, Queensland ng mga bagong pasilidad para sa pagpapatest, matapos may maitalang mga bagong kaso sa estado.
Nagbigay din ng paalala ang NSW Multicultural Health Communication Service, sa pagdiriwang ng Diwali ngayong araw.
COVID-19 Statistics
- Victoria, nagtala ng 1247 na panibagong kaso ng COVID-19 at siyam ang namatay
- NSw, nagtala ng 308 na panibagong kaso at apat ang namatay
- Queensland, nagtala ng tatlo bagong kaso
- ACT, nagtala ng 13 panibagong kaso
Vaccination Roll Out
Makakakuha na ng booster dose ang mga residente ng Northern Territory simula Lunes, Nobyembre 8. Sa ngayon hindi pa obligado ang mga residente sa booster dose.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: